Liza

Initiative ni Direk Rahyan at ng Star Magic, pinuri ni Liza

December 15, 2022 Ian F. Fariñas 390 views

Workshop

ISA si Direk Rahyan Carlos, head ng Star Magic Acting, Voice and Dance Workshops, sa mga rason kung ba’t na-survive ni Liza Diño-Seguerra ang pag-aartista matapos ang ilang taong pagpapahinga sa pag-arte.

Kwento ng dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa virtual mediacon para sa hybrid workshop ng Star Magic sa Canada, kahit noong mga panahong wala siya sa eksena, lagi siyang nagte-take ng Master Class ni Direk Rahyan.

“He was there to guide me through training,” aniya pa.

Ang ABS-CBN din daw ang unang nagbukas ng pintuan para sa kanyang acting comeback.

“Siguro a week after I ended my term, I got a call from abs for one of their soaps,” tsika pa ni Liza.

May importanteng papel nga siyang ginagampanan sa Dirty Linen ng Kapamilya network na nakatakdang ipalabas sa January 2023.

Bukod dito, nakagawa rin si Liza ng pelikula, Papa Mascot, kasama si Kapuso actor Ken Chan sa ilalim ng direksyon ni Louie Ignacio para sa Wide Int’l Film Productions.

“Talagang ang sarap ng feeling na after six years of hiatus in acting, teleserye agad,” sabi pa ni Liza.

Mas masarap din daw sa pakiramdam na malaman na may industriya pa pala siyang babalikan.

Pinuri rin niya ang initiative ng Star Magic na i-globalize ang training para sa mga Pinoy saan man sulok ng mundo.

“Alam natin recently… we should all be happy Miss Dolly de Leon just got nominated for the Golden Globes as best supporting actress alongisde amazing Hollywood actresses and it’s really a testament of the talent that we have in the country and I’ve always been a champion of training. Alam ‘yan ni Direk (Rahyan).

“If it weren’t for Star Magic, I wouldnt have discovered Ivana Chubbuck as the acting technique that I’m currently using as well and I always go back to Direk Rahyan even if I’ve already taken it so many times because I believe that acting is a never ending learning process and you’re only as good as your last work. And that’s what he always tells us. So, I’m so honored to be here and be part of this showcase,” mahaba pang pahayag ni Liza.

Kasama ni Liza sa Canada ang partner na si Ice, na guest performing artist naman sa hybrid workshop.

Kwento ni Ice, malaki rin ang naitulong ng training sa kanya para maging isang mang-aawit.

Importanteng papel din ang ginampanan nito noong mga panahon na may depression siya.

Anyway, katuwang ni Direk Rahyan sa hybrid face-to-face workshops ang kanyang coaches at mentors, sa pakikipagtulungan naman nina Rechelle Everden at Chalen Lazerna ng AMP Studios Canada, partner ng ABS-CBN’s Star Magic for Acting, Voice and Dance Workshops sa Canada.

Dalawang araw ginanap ang face-to-face workshops para sa Acting at Voice noong December 14 at 15. Ang online training at workshops naman ay isinagawa noong August.

Magkakaroon din ng voice workshop ngayong Biyernes, December 16.

Ang Star Magic Workshops ay nagbibigay edukasyon at training programs sa mga aspiring talent ng performing arts.

Bukod sa artist training, aktibo rin silang sumusuporta sa lokal projects ng Filipino-Canadian communities.

Ilan sa mga produkto ng Star Magic Workshops ay ilan sa ating award-winning actors gaya nina Christian Bables, Joshua Garcia, Jane de Leon, Coco Martin, Julia Barretto, Jake Cuenca, EJ Falcon, Rocco Nacino, Arjo Atayde, Paulo Avelino, Janella Salvador, Charlie Dizon at marami pang iba.

Si Direk Rahyan naman ay hinubog ng world-renowned Hollywood acting teacher na si Ivana Chubbuck, mentor ng mga sikat na international actors tulad nina Halley Berry, Charlize Theron, Beyonce Knowles, Ian Somerhalder, Brad Pitt, Jim Carrey, Jake Gyllenhaal, Sylvester Stallone, Jared Leto, Gal Gadot, atbp.

AUTHOR PROFILE