Inigo

Inigo gusto pa ring i-pursue ang Hollywood career

February 26, 2024 Aster Amoyo 140 views

Inigo1KUNG tahimik ang career ngayon sa Pilipinas ng 26-year-old singer-actor na si Inigo Pascual, ito’y dahil naka-base itong muli sa Los Angeles, California kung saan niya gustong i-pursue ang kanyang career.

Nag-desisyon ang kaisa-isang anak ng Kapamilya heartthrob, ang singer, actor at entrepreneur na si Piolo Pascual na makakipag-sapalaran sa Hollywood matapos ng kanyang American TV debut sa pamamagitan ng Fox drama series na “Monarch” which was aired nung September 2022 up to December 2022. Ito’y tinampukan nina Anna Friel, Trace Adkins at Susan Sarandon, among others.

Nakita namin si Inigo sa gala at awards night ng 1st Manila International Film Festival last February 2, 2024 na ginanap sa Directors Guild of America Theater kasama ang kanyang amang si Piolo Pascual na siyang tinanghal na Best Actor for the movie “Mallari” kung saan nito naka-tie si Dingdong Dantes na siya namang lead actor along with his wife na si Marian Rivera sa pelikulang “Rewind” na siyang nanguna sa takilya sa 2023 Metro Manila Film Festival maging sa Manila International Film Festival in Hollywood from January 29 to February 2, 2024.

With Inigo’s decision to try his luck in Hollywood, ito’y suportado ng kanyang ama si Piolo.

Inigo was born in the Philippines but moved to the US when he was 8. When he turned 17, he moved back to the Philippines para naman subukin ang mundo ng showbiz na ginagalawan ng kanyang ama at unti-unti naman siyang nakagawa ng sarili niyang pangalan without banking on the popularity of his dad. In 2016, he had a hit song, ang “Dahil sa `Yo” na pumalo sa number one chart ng Billboard – Philippines. Just when he’s already carving a name in the Philippines ay saka naman itong nag-desisyon to move back to the US to try his Hollywood dreams.

Liza may mga bagong prokect sa Hollywood

LizaLiza1MARAMI-RAMI na ring mga Filipino (mostly Fil-Americans) actors ang unti-unting nakaka-penetrate sa Hollywood. Pero may mga home grown actors din tulad nina Dolly de Leon at Ruby Ruiz.

Ang isa pang actress who’s trying her luck sa Hollywood ay ang dating Kapamilya star na si Liza Soberano who debuted in her Hollywood movie, ang horror-comedy film na “Lisa Frankeinstein” kung saan niya mga kabituin sina Kathryn Newton at Cole Sprouse. The movie had its premiere nung nakaraang February 5, 2024. Samantala, namataan din ang Fil-Am actress na dumalo recently sa Screen Actors Guild Awards 2024 na ginanap sa Shrine Auditorium & Expo Hall in Los Angeles, California, USA.

Tulad ni Inigo Pascual, nagi-stay ngayon sa Los Angeles, California si Liza.

Liza’s manager, ang singer, actor at Careless PH boss na si James Reid shared na may mga bago umanong project ang actress na sisimulan sa Hollywood.

Marami naman ang nagtataka kung sila pa rin o hiwalay na ba sina Liza at ang nobyo nitong si Enrique Gil whose comeback film na pinamagatang “I Am Not Big Bird” is doing good at the box office at mas kumita pa raw sa Pilipinas kaysa sa pelikula ni Liza na ‘Lisa Frankenstein’.

Joshua iniwan sina Kris at Bimby sa Amerika

BimbyBimby1NAKAUWI na ng Pilipinas ang panganay na anak ni Kris Aquino (sa actor na si Phillip Salvador) na si Joshua Aquino kasama ang nakatatandang kapatid ni Kris na si Viel Aquino-Dee who visited her youngest ailing sister for five days in the US.

Ang magtiyahing Viel at Joshua ay inihatid sa LAX Airport in Los Angeles, California ni Batangas Vice-Governor Mark Leviste at bunsong anak ni Kris (sa ex-husband nitong si James Yap) na si Bimby who opted to stay to be with his mother na nakatakdang ma-confine sa UCLA Medical Center in L.A. simula sa araw na ito ng Lunes.

Joshua is staying in their Makati condo kasama ang dalawang yaya at security. Tuwang-tuwa si Josh nang makarating sa kanilang condo dahil sobra nitong na-miss ang pagtugtog sa piano.

Agad namang dinalaw si Josh ng panganay na anak ni VG Mark na si Lian Vice-Mayor Ronin Leviste kasama ang girlfriend nitong si Batangas City councilor na si Andrea Macaraig.

In fairness, very close ang mga anak ni VG Mark na sina Ronin, Airelle at C2 sa dalawang anak ni Kris na sina Josh at Bimby.

Since wala sina Kris at Bimby, madalas itong pupuntahan nina VG Mark at ng kanyang mga anak.

Thankful naman si Kris sa pagdating sa kanilang buhay ni VG Mark at ng kanyang mga anak na kasundung-kasundo nina Josh at Bimby.

Bunny nasa Pilipinas, anak kay DJ Mo ikakasal na

FORMER “That’s Entertainment” member and Los Angeles, California, USA-based actress Bunny Paras is currently in town for a brief vacation after more than a decade of being away from the Philippines since she moved to the U.S. with her eldest daughter Moira Greenway (courtesy of Fil-Am radio host na si DJ Mo Twister – Mohan Gumatay).

Bunny, who is the younger sister of actress Sharmaine Arnaiz, is now married to an American national, Tom Greenway, who adopted Moira and took care of her as his own child. The couple has three other children na sina Connor (13), Ariana (10) at Cody (6).

Sobrang thankful si Bunny sa kanyang husband na sobra umanong napakabait, loving, caring and very supportive. Ito umano ang tumayong ama kay Moira since she was a child at hindi nagsawang kargahin at buhatin si Moira para isakay sa wheelchair at sasakyan hanggang sa paglaki nito.

Grabe ang naging sakripisyo ng mister ni Bunny kay Moira na trinato niyang parang tunay na anak.

Moira who is now 25 years old with Friedreich’s Ataxia condition has been disabled since she was ten years old. But despite her illness, she found her true love in the person of Nick Ashbury, a young businessman who proposed to her last September at the Ashbury Park in New Jersey. The couple is getting married this May 2024 in Florida, USA where their respective parents gifted them a house kung saan sila nakatira ngayon.

Maituturing na God-sent si Nick who has a pure heart and unconditional love for Moira sa kabila ng kapansanan nito.

Since ikakasal na si Moira, dumating kaya sa wedding ang biological father niyang si Mohan Gumatay?

Masayang-masaya rin ang mag-asawang Bunny at Tom for Moira at Nick sa kanilang bagong papasuking journey as a couple.

John Lloyd tahimik ang relasyon sa girlfriend

JLCLOW-KEY ang relasyon ng actor na si John Lloyd Cruz sa kanyang artist-illustrator girlfriend na si Isabel Santos na inamin na rin niya sa publiko nung isang taon.

John Lloyd has a five-year-old son sa kanyang ex-girlfriend na si Ellen Adarna na misis na ngayon ng althlete actor and entrepreneur na si Derek Ramsay.

Walang problema sa dating magkasintahang John Lloyd at Ellen pagdating sa co-parenting sa kanilang anak na si Elias. Although the kid stays with Ellen at Derek ay malaya namang nakukuha ni John Lloyd ang kanyang anak.

Thankful si John Lloyd sa mag-asawang Derek at Ellen dahil sa kanilang pag-aalaga at pagmamahal kay Elias.

Derek treats Elias just like his own.

Derek and Ellen have yet to have their own child na pangarap ng celebrity couple. The actor has his own biological son na si Austin (18, sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly), who’s currently in the U.K. to pursue his college education.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE