Indonesian

Indonesian nat’l timbog sa human trafficking ng BI

February 23, 2024 Jun I. Legaspi 83 views

INARESTO ng Bureau of Immigration agents noong Martes ang Indonesian national na sangkot sa human trafficking.

Naaresto sa Salcedo St., Legaspi Village, Makati City ng mga miyembro ng BI fugitive search unit (FSU) si Aris Wahdudi, 43, alyas Romeo.

Isang mission order ang agad na inilabas ni BI Commissioner Norman Tansingco matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Indonesian government na nagpapabalik sa bansa kay Aris para harapin ang mga kasong kinakaharap niya.

Nahaharap sa kasong Crime Trafficking in Person ang suspek na nagbibigay ng protection sa mga Indonesian migrant workers.

Ayon sa mga awtoridad, miyembro si Aris ng human trafficking syndicate at ilegal na nagre-recruit at nagpi-finance ng mga Indonesian nationals at illegal na ipinadadala sa Cambodia na walang mga work permits.

Agad ipatatapon si Wahyudi matapos ma iisyu ng BI board of commissioners ang summary deportation nito.

“As a foreigner accused of human trafficking, his presence here poses a serious risk to our poor countrymen who might also fall prey to his illegal scheme,” saad ni Tansingco.

Ilegal alien na rin ang Indonesian dahil expired na ang passport niya noon pang August 2023.

AUTHOR PROFILE