Default Thumbnail

Indian nat’l dedo sa pamamaril sa QC

August 2, 2022 Melnie Ragasa-limena 347 views

DEAD on the spot ang isang Indian national nang malapitang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang gunman sa Quezon City, Lunes ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Sukhwinder Kumar, 28, binata, businessman, Indian national at nakatira sa Balingasa St., Barangay Balingasa, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 9:15 ng gabi, Agosto 1 nang maganap ang insidente sa Old Sauyo Road malapit sa kanto ng Arty 1 St., Bgy. Talipapa, sa lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga nagrespondeng sina PCpl. Rasul Monib, PSSg. Bienvenido DG Ribaya III, PSSg. Juvy Fallesgon, at Pat Nestor Ariz, isang McDonald’s delivery rider ang nagreport sa biktima na duguang nakahandusay sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, alitan sa negosyo o pagnanakaww ang dalawang anggulo ang tinitingnan nila sa pananambang sa biktima.

Wala naman umanong nawawalang gamit pero hindi pa rin isinasantabi ang posibilidad na robbery ang motibo sa pagpatay at inaalam pa nila kung may dalang motor ang biktima na inagaw ng gunman dahil may nakitang helmet sa tabi ng biktima.

Nasamsam sa crime scene ng SOCO-QCPD Forensic sa pamumuno ni PCpt. Eric Agay Angay ang dalawang basyo ng bala ng cal. 45 at isang metal jacket.

Patuloy pa ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa pamamaril sa biktima upang matukoy ang nakatakas na salarin.