Inabandonang sanggol nasagip ng mga parak
NASAGIP ng mga pulis ang inabandonang sanggol sa gilid ng kalsada noong Lunes sa Malabon City.
Nagpapatrulya ang mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan nang tawagin sila ng vendor na si Marilyn Amado, 20, para ipabatid ang nakita niyang kasisilang pa lang na sanggol sa loob ng pulang eco-bag dakong alas-6:40 ng umaga sa kanto ng Santol Road at McArthur Highway sa Brgy. Potrero.
Nang suriin ni P/Lt Benedict Zafra hepe ng Police Sub-Station 1 ang eco bag, gumagalaw pa ang sanggol kaya’t kaagad niyang inatasan ang mga tauhan na dalhin ito sa MakaTao Hospital upang mabigyan ng atensiyong medikal.
Ayon kay Col. Baybayan, ino-obserbahan pa ang sanggol.