
Inaakusahang third wheel sa romansang Andrea at Ricci tumanggi
PINABULAANAN ng dating beauty queen-turned Los Banos, Laguna councilor na si Leren Mae Magnaye Bautista na meron siyang romantic involvement sa basketball player at ex-boyfriend ng Kapamilya young star-vlogger na si Andrea Brillantes na si Ricci Rivero. Siya kasi ang itinuturong dahilan ng break-up nina Andrea at Ricci na tumagal lamang ang relasyon ng mahigit isang taon.
Nagkataon lamang umano na nagkasama sina Leren at Ricci sa isang community food-pack gift-giving kung saan sila na kunan ng litratong magkasama, na-upload at naging viral.
Official na naging magkasintahan sina Andrea at Ricci when the latter asked the former kung puwede siyang maging girlfriend nito na nangyari mismo sa UAAP Games kung saan isa siya (Ricci) sa mga star players ng UP Fighting Maroons nung April 2022. Ang dalawa ay nakita pang magkasamang dumalo sa kauna-unahang Star Magical Prom ng ABS-CBN last March 2023.
Controversial ang break-up nina Andrea at Ricci at dawit ang former beauty queen-turned politician bagay na agad naman pinabulaanan ng huli.
Si Leren (30) ay multi-titled beauty queen. In 2021 ay kinoronahan siyang Miss Universe-Philippines at pumasok siya sa Top 10 ng Miss Universe pageant during that year.
In 2019, tinanghal siyang Bb. Pilipinas-Globe at siya ang nanalong Miss Globe International saka parehong taon. She was also Mutya ng Pilipinas in 2015 at nanalong Miss Tourism International on same year.
Bago sumali sa national and international beauty competitions ay nanalo siyang Miss Los Banos in 2013 at nung 2014 bilang Bb. Laguna.
Nung nakaraang taon ay kumandidato siya sa pagka-konsehal ng Laguna at siya ang nanguna sa mga nanalong municipal council sa nasabing lugar.
Ngayong personal nang pinabulaanan ni Leren at ng kanyang kampo ang kanyang ugnayan sa UP Maroons basketball player, may iba pa kayang dahilan kung bakitnauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Andrea at Ricci?
Samantala, nasa stage of moving on ang young star-vlogger at celebrity endorser na si Andrea. Ito na bale ang kanyang second break-up and heartbreak. Nauna na rito ang kanilang hiwalayan ng kanyang dating ka-loveteam at ex-boyfriend na si Seth Fedelin nung 2021. Tumagal din ang kanilang relasyon ng mahigit dalawang taon.
Si Seth ay nauugnay ngayon sa kanyang bagong ka-loveteam na si Francine Diaz.
Ang mga pinagdaanan ni Ice, mananatiling loyal sa TVJ
SINGER-songwriter, musician, actor-director Aiza Seguerra now known as Ice Seguerra was a former child superstar. She was only three years old nang siya’y sumali sa dating segment ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” nung 1987.
Likas na kay Aiza or Ice ang pagiging makulit at matalino since she was a kid. An only child of the late Decoroso `Dick’ Seguerra na isang government employee at former teacher na si Caridad `Caring’ Yamson.
Since busy si Mommy Caring sa kanyang pagtuturo at sa pag-aalaga kay Ice, hindi ito gaanong nakakapanood sa TV at walang siyang idea tungkol sa popular segment noon ng “Eat Bulaga,” ang “Little Miss Philippines” kung saan nagmula ang maraming kilalang actresss ngayon.
Sa hikayat ng mga kaibigan ni Mommy Caring, nakumbinse siyang isali si ice sa “Little Miss Philippines”. Maaga umano silang nagtungo sa tanggapan ng TAPE office in Xavierville, Quezon City at ayaw pa umano siyang papasukin ng guard. Since malayo ang kanilang pinanggalingan, nakiusapsi Mommy Caring sa guard kung puwede na lamang silang maghintay sa labas ng TAPE office at pinayagan naman sila.
As a kid, mahilig na umano si Ice sa Mercedez Benz car toys kaya nang makakita siya ng totoongMercedez Benz na nakaparada sa labas ng TAPE office ay lumapit siya sa driver ng sasakyan at pinagbigyan naman siyang makapasok sa loob ng Benz not her knowing na `yon ay pag-aari ng big boss noon ng TAPE na si Mr. T (Tony Tuviera) na siyang president-CEO pa noon ng TAPE, Inc., producer ng longest-running noontime show, ang “Eat Bulaga”. Nakita umano siya ni Mr. T at natuwa sa kanya kaya agad siyang pinag-audition for “Little Miss Philippines” at siya’y natanggap.
Sa simula pa lamang ng “Little Miss Philippines” contest ay paboritonasiya ng TVJ (Tito, Vic & Joey) lalunanasi Bossing (Vic).
Hindi man siya ang tinanghal na Little Miss Philippines nung 1987 (she was either 2nd or 3rd runner-up), naging pasaporte naman niya ito sa kanyang pagpasok sa showbiz at naging bahagi pa siya ng “Eat Bulaga”. Dito na rin nagsimula ang pagbulusok ng kanyang career bilang child star. On same year, naging bahagi siya ng weekly fantasy sitcom ni Vic Sotto, ang “Okay Ka, Fairy Ko” napalabas pa noon sa IBC-13 na tumagal din sa ere ng sampung taon (1987-1997) and was adapted into movie twice kung saan din siya kasama.
Ang Regal Films ang kauna-unahang nagbigay ng movie break kay Ice sa pamamagitan ng “Wake Up Little Susie” in 1988 na nasundan ng iba pang mga pelikula tulad ng “Super Inday and the Golden Bibe,” “Petrang Kabayo at ang Pilyang Kerubin,” “Good Morning Titser” at iba pa. Nakagawa rinsiya ng ilang pelikula sa bakuran ng Viva tulad ng “Me and Ninja Liit” at “Aso’t Pusa” maging sa M-Zet Productions na pag-aari ni Vic Sotto.
Aminado si Ice na nag-suffer ang kanyang career when he was on his teens at hindi umano niya makakalimutan ang isang write-up na tinawag umano siyang laos at lesbian at iniyakan umano niya ito.
Nung dumating ang panahon na hindi na siya gaanong in-demand sa paggawa ng mga pelikula, nabaon umano sila sa utang matapos ang isang pinagkakaatiwalaang kamag-anak na sa kanila nakatira noon ay itakbo ang malaking bahagi ng kanilang naipong pera. Para mabayaran ang kanilang pagkakautang sa ibangtao, her parents decided na ibenta ang kanilang bahay para mabayaran ang kanilang utang at natuto umano silang magsimulang muli sa isang payak na pamumuhay.
Growing up bilang isang teen-ager, na-discover ni Ice ang kanyang hidden talent sa pagkanta and started singing in small joints. Dito umano siya na-discover ng magkapatid na Edith at Margot Gallardo at iba pang taga-Vicor to record the joint composition of Edith Gallardo and Moy Ortiz (of The Company), ang “Pagdating ng Panahon” which gave Ice the second wave of her career, this time bilang isang mang-aawit.
Aminado si Ice na maraming taon umano ang kanyang ipinaghintay at tila nawalan na umano siya ng pag-asa na muling makakabangon ang kanyang karera.
Taong 2001 nang muling umangat ang career ni Ice bilang isang singer at recording star nang pumutok ang kanyang kauna-unahang OPM signature hit, ang “Pagdating ng Panahon”. It was also on same year nang aminin niya sa publiko na siya’y bahagi ng LBTQ community. At hindi niya ikinakaila na kinabahan umano siya noon na baka muling mag-suffer ang kanyang career dahil dito.
But thank God hindi ito nangyari dahil tinanggap siya ng publiko nang buong-buo kung anuman ang kanyang gender preference, isang bagay na kanyang ipinagpapalasamat sa Diyos .
“I was so scared na muling mawalan ng career dahil sa ginawa kong pag-amin,” kumpisal pa ni Ice.
Ice was 15 nang kanyang personal na aminin sa kanyang parents na siya’y lesbian at hindi napigilan ng kanyang mga magulang na maiyak pero sa kalaunan ay maluwag nila itong tinanggap.
She was 16 and 18 naman si Liza Dino nanguna silang magkakilala at magkaroon ng relasyon pero ito’y nauwi rin sa hiwalayan. Pero tila itinadhana na muli silang magkita matapos mahiwalay si Liza sa kanyang asawa at magkaroon ng anak sa Amerika.
Taong 2013 nang muling mag-krus ang kanilang landas and since then ay inseparable na ang dalawa hanggang sa ito’y mauwi sa pagpapakasal in California, USA nung December 8, 2014. To date ay nakaka-siyam na taon na ang relasyon ng dalawa. Napamahal na rin kay Ice ang kaisa-isang daughter ni Liza sa kanyang ex-husband na si Amara na tinedyer na ngayon.
Ice treats Amara as his own daughter.
Inamin sa amin ni Ice na naka-freeze pa rin hanggang ngayon ang kanyang tatlong eggs na kanyang pinangalanang TVJ. Hindi pa rin umano niya isinasara ang posibilidad na magkaroon sila ng sariling anak ni Liza bukod kay Amara.
Samantala, Ice took a stand na mananatili umano siyang loyal sa TVJ at kay Mr. T (Tuviera) na itinuturing niyang his second family although nalulungkot umano siya sa pagkawala ng TVJ sa TAPE, Inc. na siyang producer ng top-rating and longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.