Ina katakam-takam kahit may afam
CERTIFIED hot momma pa rin ang aktres na si Ina Raymundo at hinog pa rin ang kanyang alindog na para bang walang limang anak.
Sa isang Instagram post nitong Sabado, ibinida ni Ina ang kanyang toned body na para bang hindi 48 anyos ang edad ng aktres.
Ibinandera niya sa ibinahaging larawan ang kanyang pagiging ‘hot momma.’ Todo smile si Ina habang nakaluhod, humihigop ng buko, masusulyapan ang kanyang wetpaks.
“Hydrate, hydrate, hydrate,” sey niya sa caption ng kanyang post.
Nakakapatid pa rin ng uhaw ang taglay niyang kaseksihan.
Napa-comment pa nga ang co-star ni Ina na si Agot Isidro sa seryeng ‘Can’t Buy Me Love’ sa nasabing larawan ng aktres.
“Huy Annie! Sumosobra ka na, nakapangasawa lang ng afam!!!” hirit ni Agot.
Natawa na lamang si Ina sa biro ng kanyang kapwa aktres.