NDRRMC

Imprastrakturang napinsala ni ‘Egay; umaabot sa P1.2B

July 29, 2023 Zaida I. Delos Reyes 144 views

UMAKYAT na sa halos P1.2 billion ang pinsalang dulot ng Super bagyong Egay sa imprastraktura sa iba’t ibang oanig ng bansa.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado ng umaga, ang kabuuang pinsala sa imprastraktura ay nasa P1,191,137,926.36 habang naa P195,000 halaga naman ng kabahayan ang nasira.

Nadagdagan naman ng isa ang bilang ng nasawi na nagayon ay nasa 14 na, 13 ang nasugatan at 20 pa ang nawawala.

Sa news forum sa Quezon City, sinabi ni Office of Civil Defense spokesperson at NDRRMC director Edgar Posadas na mahigit kalahating milyon o 582,288 indibidwal na o 164,430 pamilya mula sa 13 rehiyon, 45 probinsya, 306 municipalidad at 1,752 barangays ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Egay.

Sa agrikultura, umabot nadin sa P832,645.48 halag ang nalulugi sa produksyon na tahasang naka-apekto sa 75,997 magsasaka at 92,651.56 hektarya ng lupaing taniman.

Ang pinsala sa livestock, poultry at fisheries ay nasa P23,762.020.

Sa kasalukuyan, umabot na sa P35,851,214.38 halaga ng tulong ang naibigay na ng pamahalaan sam ga apektadong pamilya.

Kabilang sam ga itoa ng family food packs, hygiene kits, shelter repair kits, modular tents at iba pa.

Matatandaang si Egay ay lumabas ng bansa nitong Huwebes ng gabi.