Manok

Importation ng itlog, manok galing Australia ipinatigil ng DA

June 8, 2024 Cory Martinez 174 views

IPINATIGIL ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga domestic at wild birds mula sa Australia dahil sa avian influenza virus outbreak doon.

Sa Memorandum Order No. 21, ipinatigil ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang pag-angkat ng mga wild at domestic birds pati ang mga laman, day-old chicks, itlog at semilya matapos na makumpira ang outbreak ng H7N3 at H7N9, subtypes ng highly pathogenic avian influenza virus noong Mayo 23 sa Meredith at sa Terang sa Victoria, Australia noong Mayo 25.

Kinumpirma ito ng Australian Centre for Disease Preparedness.

Inatasan din ni din ni Tiu Laurel ang Bureau of Animal Industry (BAI) na suspendihin ang pag-isyu ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearances (SPSIC).

Ika-apat ang Australia na pinakamalaking source ng Pilipinas ng imported chicken meat na may kabuuang volume na 5,365 metriko tonelada.

Ikatlo naman ang Australia sa pinakamalaking source ng mechanically deboned meat (MDM) na nakadagdag ng 4,162 metriko tonelada, o 6.1 porsyento ng kabuuang volume ng MDM imports.

Sa naturang ding panahon, nakapag-angkat ang Pilipinas ng may 46,987 ulo ng day-old chicks at 30,780 piraso ng hatching eggs.

AUTHOR PROFILE