Poultry Source: DA

Import ban muna vs poultry products mula South Dakota

January 24, 2025 Cory Martinez 237 views

IPINAGBAWAL pansamantala ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng mga domestic wild birds at ang mga poultry products nito mula sa South Dakota, USA dahil sa pagkalat ng highly pathogenic avian influenza.

Sa inilabas na memorandum order No. 04, ang pagbabawal sa pag-angkat ng mga nabanggit na food items, kabilang na ang itlog at semilya para sa artificial insemination, day-old na mga sisiw at ibang poultry products upang mapigilan ang pagpasok ng bird flu virus sa bansa at maprotektahan ang kalusugan ng domestic poultry industry.

Ang lokal na poultry industry nanghihikayat ng malaking pamumuhunan, nagbibigay ng hanapbuhay at nakakatulong para masiguro ang seguridad sa pagkain.

Ayon sa DA, kinumpirma ng mga otoridad sa Estados Unidos noong Disyembre 17 ang mga ulat ng ilang pagkalat ng H5N1 avian influenza sa South Dakota na nakaapekto sa kanilang mga alagang ibon. Kinumpirma din ito ng National Veterinary Services Laboratories sa Ames, Iowa.

Kailangang magpatupad ng ban upang makontrol ang mabilis na pagkalat ng virus sa lugar.

Inatasan din ng DA ang Bureau of Animal Industry na suspendihin ang pagproseso at pag-iisyu ng sanitary at phytosanitary import clearances sa importasyon ng domestic at wild birds mula sa South Dakota.

Inatasan din ang lahat ng veterinary quarantine officers at inspectors sa buong bansa na kumpiskahin ang mga kalakal na inaangkat mula sa South Dakota, maliban sa mga nasa byahe na o nakarating na sa mga lokal na pantalan matapos mailabas ang kautusan.

Para sa poultry products, dapat kinatay ito bago Nobyembre 13, 2024. Exempted sa import ban ang mga heat-treated na mga produkto.

AUTHOR PROFILE