Imelda

Imelda proud sa anak na si Maricel at apong si Donny

December 13, 2024 Aster Amoyo 152 views

Imelda1Imelda2Imelda3Imelda4Imelda5Imelda6KATORSE anyos pa lamang noon ang veteran actress na si Imelda Ilanan, ina ng actress na si Maricel Laxa at grandmother ng Kapamilya matinee idol na si Donny Pangilanan, nang pasukin niya ang showbiz nung 1966. Nagkayayaan umano sila ng kanyang kaibigan na manood ng shooting sa loob ng Sampaguita compound in Quezon City. At that time ay may magkahiwalay na shooting sina Vilma Santos (for “Trudis Liit”) at sa isang movie sina Luis Gonzales at Nida Blanca. Habang nanood sila sa shooting ay namataan umano siya ni Luis Gonzales at tinanong kung gusto niyang mag-artista. Dali-dali namang ipinakilala si Imelda ni Luis kay Doc Perez, ang producer ng Sampaguita Pictures.

Nang makita ni Doc Perez si Imelda ay agad din niya itong pina-screen test sa isang pelikula ni Eddie Garcia. Pero bago pa man papirmahin ng kontrata ng Sampaguita ay naunahan siya ng J.E. Productions na pag-aari noon ng actor-turned politician na si Joseph `Erap’ Estrada.

Over at J.E. Productions ay naging paboritong leading-lady si Imelda ng mga pelikula ni Erap hanggang naging leading-lady rin siya ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr. maging ng isang action stars tulad nina Zaldy Zhornack, Eddie Fernandez, Tony Ferrer at iba pa.

Sa aming one-on-one interview with Imelda for our online show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” ay inamin nito na naging magkasintahan sila ni Erap na naging mayor ng San Juan, senador, Vice President at President ng bansa. Nung wala na sila ni Erap ay naging kasintahan niya ang yumaong action star na si Tony Ferrer at nagkaroon sila ng isang anak na si Maricel Laxa, misis ni Anthony Pangilinan at ina ng Kapamilya popular young actor na si Donny Pangilinan.

Nang magkahiwalay sina Imelda at Tony ay nagkakilala naman sila ng kanyang husband na ngayon, ang business executive na si Ben Quezon Avancena, apo ng unang pangulo ng Philippine Commonwealth na si Manuel L. Quezon. Ben has become close to Maricel and her own family and treated them just like his own kaya naging maganda ang kanilang relasyon.

Naging aktibo si Imelda sa kanyang showbiz career from 1966 to 1995 at pagkatapos nito ay huminto na siya dahil na-relocate sa Singapore ang kanyang husband na si Ben at namirmihan sila sa nasabing bansa sa loob ng sampung taon and they would also constantly travel to other countries.

Pagkaraan ng sampung taon sa Singapore, na-assign si Ben sa China kung saan naman sila nag-stay ng limang taon.

When Ben’s mother and Imelda’s mother-in-law na si Maria Zeneida `Nini’ Quezon-Avancena became ill, they decided to return to the Philippines but would often travel to the U.S. and Europe laluna sa Spain, isa sa mga paboritong lugar ng mag-asawa.

Nang pasukin noon ni Maricel Laxa ang showbiz at nagsimula itong magkapangalan, madalas ipakilala si Imelda as the mother of Maricel Laxa. Nang mag-showbiz naman ang isa sa mga anak nina Maricel at mister nitong si Anthony Panagilinan na si Donnie Pangilinan, apo ni Imelda, nagulat na lamang ang huli nang malaman niyang sikat na ang kanyang apo at pinagkakaguluhan na ito ng mga fans. Bilang lola, sobra umano siyang proud sa kanyang apo na si Donny maging sa iba pa niyang mga apo kay Maricel na sina Ella, Hannah, Benjamin at Solana.

Si limang anak nina Maricel at Anthony, ang panganay nilang anak na si Ella Pangilinan ay may asawa na, si Enrique Miranda na nagmula sa mayamang angkan ng mga Lhuillier from Cebu.

Ngayong nasa Pilipinas muli ang mag-asawang Ben at Imelda (Angelina), gustong balikan ng veteran actress ang kanyang showbiz career. Nakita niya kasi na marami pa sa kanyang mga kapanabayan nung dekada sisenta ay aktibo pa rin at payag naman umano ang kanyang mister na si Ben.

Natutuwa rin si Imelda na merong `Balik-Samahan’ na binuo ni Pempe Rodrigo kung saan kabilang ang mga dating artista noon maging ang mga aktibo pa rin sa kanila at meron na ring mga bagong miyembro na nagmula sa bagong henerasyon.

Bukod sa nagsisilbi itong get-together nila, nakakatulong din umano ang `Balik-Samahan’ laluna sa mga nangangailangan sa mga taga industriya.

“Marami na rin sa mga dating kasama sa `Balik-Samahan’ ang nawala pero nagpapatuloy ang aming samahan,” kuwento ni Imelda.

“Kadalasan ay sa bahay ni Pempe (Rodrigo) kami nagkikita-kita. Kainan, kuwentuhan, kantahan. Masaya kami kapag kami’y nagkikita-kita,” ani Imelda.

“Malungkot lang kasi nababawasan kami pero nadadagdagan naman ng mga bagong henerasyon,” dugtong pa niya.

In the course ng aming kuwentuhan ay nagpahayag si Imelda ng kanyang interest na muling umarte.

“I would love to work with my daughter (Maricel Laxa) or with my grandson na si Donny (Pangilinan) at ang mga artista ngayon,” aniya.

Samantala, super proud mother si Imelda sa kanyang anak na si Maricel na tinapos ang pag-aaral sa kohehiyo. Hindi lamang college ang tinapos nito kundi kumuha rin ito ng masteral at doctorate.

“Nang pumasok siya ng showbiz, hindi pa siya tapos noon sa kanyang pag-aaral. Nasa America siya nun pero nangako siya na tatapusin niya ang kanyang pag-aaral kahit nasa showbiz na siya at tinupad naman niya,” say ng proud mother.

Si Imelda ay half Filipino at half-American pero hindi na umano niya nasilayan ang kanyang biological father at hindi na rin umano niya ito hinanap dahil nakatagpo siya ng tunay na pagmamahal ng isang ama sa kanyang stepdad na trinato siyang parang tunay na anak.

Katunayan, sobrang iniyakan ni Maricel ang pagkawala ng kanyang step-dad na tinawang niyang Daddy.

“Hindi ko siya (stepdad) kinunsider na stepdad but as my own father,” pag-amin ni Imelda.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi na siya nag-effort na hanapin ang kanyang biological father.

“I was so devastated nang mawala siya,” pagbabahagi pa ni Imelda na napakaganda pa rin hanggang ngayon.

Kris at Perry nag-pre-Christmas holiday sa Japan

KrisKris1Kris2NAUNA nang nag pre-Christmas Holidays in Nagano, Japan ang mag-asawang Kris Bernal at Perry Choi kasama ang kanilang more than one-year-old daughter na si Hailee Lucca na first time naka-experience ng snow. Although wala pang gaanong good memories si Hailee about her first snow experience, hinding-hindi nito makakalimutan ang kanyang precious moments kanyang paglaki kapag nakita na niya ang mga photos niya with her loving parents.

Si Hailee Lucca ay isinilang ni Kris nung August 15, 2023.

Samantala, although expired na ang kontrata ni Kris sa bakuran ng GMA, she still considers herself a Kapuso but would be willing to work with other TV networks kung magkakaroon ng pagkakataon.

Nung dalaga pa si Kris, naging masinop ito sa perang kanyang kinikita kaya nakapag-invest ito ng bahay sa West Covina, Califnornia, USA.

She also put up her own business. Alam kasi ng actress na hindi niya lahat puwedeng iasa ang kanyang income sa kanyang showbiz career.

Ang kanyang husband na si Perry ay isa ring entrepreneur katulad niya at nagkakatulungan sila ngayon sa kanilang mga negosyo.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ, atbp. with Aster Amoyo” on my YouTube channels. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE