Imelda Dating First Lady Imelda Marcos Source: Imelda Romualdez Marcos FB

Imelda magaling na, marami nang gustong puntahan

March 14, 2024 Chona Yu 168 views

MAGALING at palabas na ng ospital.si dating First Lady Imelda Marcos.

Ito ang ibinunyag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang press conference sa Berlin, Germany.

Ayon kay Pangulong Marcos, wala ng lagnat ang kanyang ina.

Ayon kay Pangulong Marcos, marami nang gustong gawin ang kanyang ina oras na makalabas ng ospital.

“So, she is in good spirits and she’s—the usual good sign: gusto nang umuwi, nirereklamo ‘yung pagkain sa ospital, marami nang gustong puntahan. Marami nang gusto,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Matatandaang isinugod sa ospital ang dating unang ginang dahil sa pneumonia.

“Alam niyo naman ‘yung mother ko. Pinakamahirap para sa kanya ‘yung walang ginagawa. Kaya’t medyo nandoon na tayo ngayon. So, as i said, that’s a good sign,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“So, I look forward to seeing her again back on her feet and out of the hospital,” dagdag ng Pangulo.

AUTHOR PROFILE