Pamasko Pinangunahan nina Senadora Imee Marcos at Mayora Honey Lacuna ang pamamahagi ng mga laruan at pagkain sa mga bata mula sa Nutri Bus. Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente ng Baseco sa Ginawang Pamaskong Handog ni Senadora Imee Marcos. Kuha ni JONJON C. REYES

Imee, Honey may Pamaskong  Handog sa mga batang Maynila

December 18, 2022 Jonjon Reyes 110 views

PINANGUNAHAN nina Senadora Imee R. Marcos at Manila Mayor Doktora Maria Shiela Honey Lacuna- Pangan ang pamamahagi ng mga regalo sa mga batang Maynila at mga pamilya na may temang:”PAMASKONG HANDOG” Sabado ng umaga sa Baseco Compound, Port Area, Manila.

Todo bantay at seguridad naman ang mga kapulisan sa pamumuno ni PLt.Col.Rodel Borbe sa nasabing Pamaskong Handog na nilahukan din ni Vice Mayor Jhon Marvin “Yul” Servo Nieto.

Bago isanagawa ang programa at nagkaroon ng clearing at inspection operation ang mga kapulisan para sa seguridad ng bawat isa,

Unang dumating sa lugar ang mga tauhan ng MPD- Special Weapons and Tactics ( SWAT) na pinadala ni MPD- Director Police Brigadier General Andre P. Dizon kasama ang mga miyembro ng Explosive Ordnance Division( EOD) para sa seguridad ng Senadora at Mayora..

Tumulong si Barangay Chairwoman Diana Espinosa pati kanyang mga kagawad at mga barangay tanod para maging maayos ang pamamahagi ng regalo sa mga Manilenyo.

Pasado 5 p.m. ng magsimula ang Pamaskong Handog.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, sinabihan na niya ang kanyang mga tauhan at maging ang mga residente na maging maayos ang pila, huwag mag unahan o magtulakan at maging disiplinado.

Ang pamamahagi ng mga laruan ay ginanap sa covered court sa Brgy. 649 Zone 68 sa Baseco.

Nagpakain din sa mga bata sina Senadora Imee at Mayora Honey ng lugaw at champorado na mula sa Nutri Bus.

AUTHOR PROFILE