Imee

Imee, emosyonal sa Q&A kay Juliana

April 12, 2022 Ian F. Fariñas 124 views

ALAMIN at makisaya sa isang never-before-seen side ni Senator Imee Marcos ngayong weekend sa dalawang brand-new episodes ng kanyang pinag-uusap ang lifestyle and entertainment vlogs na streaming sa kanyang official YouTube channel na padami na nang padami ang mga loyal subscriber.

Sa Good Friday, Abril 15, tatalakayin ng certified Dakilang Ilokana ang tumataas na presyo ng kuryente at iba pang buwanang utility expenses habang ibinabahagi ang kanyang tried and tested energy saving tips — mula pagamit ng natural lighting hanggang sa electric fan, at pati na rin ang pagligo nang mayroong strict time limit kasama ang isang espesyal na bath companion.

Sa isa pang episode na naka-schedule i-upload sa Black Saturday, Abril 16, nakipagtagisan ng talino si Imee sa It’s Showtime’s Ms. Q&A first season grand winner na si Juliana Parizcova-Segovia sa ilang nakakaloka at kakaibang mga tanong.

Ngunit ang kasiyahan ng kanilang Ms. Q&A ay nagkaroon ng ’di inaasahang emotional turn matapos sagutin ni Imee ng seryoso ang dalawang personal na mga katanungan na ikinagulat ’di lamang ni Juliana kundi pati na rin ng buong production.

“Medyo nakurot ang puso ko,” sabi ni Imee. “Alam niyo naman ako, walang inuurungan. Kilala ako bilang matapang at palaban. Pero iba ang dating sa akin nu’ng mga question. Tinamaan talaga ako kaya naman I answered the questions as sincerely as I could.”

Ano ang mga energy-saving secrets ni Imee at ano ang mga katanungan na kumurot sa kanyang puso? Alamin ngayong weekend at mag-subscribe sa Imee Marcos official YouTube channel.

AUTHOR PROFILE