Default Thumbnail

Imbakan ng armas, bala nadiskubre sa Lanao del Sur

April 10, 2023 Zaida I. Delos Reyes 170 views

NADISKUBRE at nahukay ng pinagsanib na pwersa ng pulis at militar ang imbakan ng armas na pag-aari ng isang lalaki sa Lanao del Sur.

Ayon kay Major Andrew M. Linao, public affairs office chief ng Western Mindanao Command (Wesmincom), ang imbakan ay nahukay ng mga tauhan ng 5th Infantry Battalion (IB) at Lanao del Sur Provincial Police Office nitong April 6 sa Sitio Lusong, Barangay Ranao-Raning, Amai Manabilang, sa nasabing probinsya.

Nakuha mula sa nahukay na imbakan ang isang 50 caliber sniper rifle, isang M14 rifle, isanf fully loaded na magazine para sa 7.62 mm at fully loaded na magazine para sa cal. 50 mm.

Sinabi ni Joint Task Force ZamPeLan commander Maj.Gen. Antonio Nafarrete, ang imbakan ng armas ay pag-aari ni Saidamen Baratomo alyas Lomala.

Ang mga nahukay na armas at bala ay dinala sa AFP intelligence unit para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

“Together with our partners from other agencies, we will continue to go after individuals and groups who are considered menaces of society. We will focus more on promoting internal security in our joint area of operations, and we expect more positive outcomes,” pahayag ni Lt. Gen. Roy Galido, Commander ng Western Mindanao Command.