CAAP Photo CAAP

Iloilo Airport may 3 bagong chillers

August 6, 2024 Jun I. Legaspi 236 views

MAGINHAWA na ang sitwasyon ng mga pasahero sa Iloilo Airport makaraang ma-install na ang tatlong bagong chillers kahit sa Setyembre pa ang deadline ng replacement nito.

Ito ay matapos ang matagumpay na factory acceptance test sa Japan facility ng Hitachi sa tatlong chillers na nagkakahalaga sa P37.5 million na dumating nitong July 16 at fully installed at operational noong July 30.

Upang matiyak ang smooth operation, nagkaloob din ang Hitachi Philippines at True-Temp Corp ng comprehensive training para sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) staff, saklawa ang operational procedures at basic troubleshooting.

Ito ay proactive approach upang matiyak na ang mga CAAP personnel ay well-equipped sa pagmamantina ng mga bagong equipment.

Sa kabuuan, ang Iloilo Airport ay mayroon nang apat na chillers kabilang na nag isa na dumating noong June 2023.

Ang mga ito ay kapalit ng apat sa limang lumang chillers, na ang isa at pinanatili bilang backup para sa rotational use.

Ang upgrade na ito ay titiyak sa maayos na cooling capacity at patuloy na epektibong operasyon.

Tiniyak ng CAAP ang pagtupad sa kanilang commitment na ayusin ang operational excellence at passenger comfort sa Iloilo Airport.

AUTHOR PROFILE