Illegal recruit suspek di pinayagang magpiyansa
ISANG pinaghihinalaang illegal recruiter ang naaresto ng mga pulis sa Brgy. Upper Omon, Ragay, Camarines Sur noong Huwebes.
Natimbog ang suspek si alyas Romil, 49, alas-9:00 ng umaga sa police operation, ayon sa report.
Nadakip ang suspek alinsunod sa warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Dinnah C. Aguila-Topacio ng Regional Trial Court (RTC) National Capital Judicial Region, Branch 42 para sa illegal recruitment.
Walang inirekomendang piyansa kapalit ng kanyang pansamantalang kalayaan.