Default Thumbnail

Iligal na kahoy, nasabat sa Magdalena

June 19, 2023 People's Tonight 191 views

NALAMBAT ang tatlong suspek na lulan ng isang trak na may dalang mga iligal na pinutol na kahoy na nakatakda sanang i-deliver matapos masakote sa isang police checkpoint sa Barangay Salasad, Magdalena, Laguna Sabado ng hapon ayon sa ulat.

Ayon kay OIC (Officer-in-Charge) Laguna Provincial Director P/Col. Randy Silvio, ang tatlong sakay ng trak ay agad na inaresto matapos madiskubre ang iligal na kargamentong kahoy.

Ayon sa pulisya ang trak na Isuzu Elf 705 na kulay puti na may kargang iligal na kahoy na sinasabing galing sa “illegal logging” ay nasabat dakong alas 5:00 ng hapon araw ng Sabado (Hunyo 17) na naglalaman ng pinutol na mga kahoy tulad ng Tan-ag at Mahogany na minamaneho ng suspek.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang tatlo habang nakatakda namang i-refer sa MENRO (Municipal Environment and Natural Resources Office) sa Magdalena, Laguna para sa tamang disposisyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung saan nagmula ang mga kontrabando. 

AUTHOR PROFILE