Kinn

‘Ilaw,’ handog ni Kinn sa mga dating magdyowa

May 27, 2023 Ian F. Fariñas 191 views

MULI na naman kayong haranahin ni Kinn Reyes sa kanyang bagong awitin at third single na pinamagatang Ilaw.

Matapos mapakinggan ang malamig niyang boses sa kanyang debut song na Signs, sunud-sunod na ang naging guesting ni Kinn sa iba’t ibang shows at platforms tulad ng Wish Bus, KADA ng Net25 at It’s Showtime ng ABS-CBN.

Dahil sa kakaibang atake at hagod ng kanyang boses, maraming music lovers  ang humanga kay Kinn kaya naman agad siyang nag-release ng second single na Tamang Panahon.

Nagkaroon pa nga siya ng solo concert sa Bevitore RestoBar sa T. Morato Ave., Quezon City, October 16 last year, kung saan naging guest niya ang sikat na singer/composer na si Wency Cornejo.

Ang awiting Ilaw ay handog ni Kinn sa mga magdyowang nag-break pero walang closure at gustong balikan ang nakaraan the second time around.

Ni-release ito nito lamang Biyernes, May 26, sa ilalim ng Universal Records Philippines.

Mapapakinggan na ang Ilaw sa iba’t ibang streaming platforms gaya ng Spotify, iTunes, Apple Music at YouTube music.

AUTHOR PROFILE