Default Thumbnail

Ilang unibersidad sa Maynila walang pasok simula Hunyo 27

June 27, 2022 Jonjon Reyes 181 views

NAGPALABAS ng abiso ang pamahalaan na pansamantalang pagsasara ng ilang mga kalsada bunsod sa ginagawang paghahanda para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30, 2022.

Simula nitong Lunes, Hunyo 27 hanggang Hunyo 30 ay idineklarang walang mga pasok o “face-to-face” classes ang mga sumusunod: Colegio de San Juan de Letran, Lyceum of the Philippines, Mapua University, at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Ang mga klase sa nasabing mga araw ay gagawin muna “online” upang hindi mahirapan ang mga estudyante, mga guro at school employees sa posibleng abala na maidudulot ng road closures.

Para naman sa mga guro at school personnel ay paiiralin ang “work-from-home” set-up habang bukas para sa “online transactions” ang kani-kanilang virtual offices.

Para sa kumpletong detalye, maaaring bisitahin ang opisyal na social media accounts ng mga nabanggit na pamantasan.

Wala namang pasok sa Hunyo 30 sa lahat ng mga paaralan, kolehiyo, at unibersidad sa buong Maynila dahil idineklarang “special non-working holiday” ang petsang nabanggit upang bigyang-daan ang panunumpa ni Marcos bilang ika-labing pitong pangulo ng Pilipinas.

AUTHOR PROFILE