Borbe Tinanggap ni P/Lt. Col. Rodel Borbe (gitna) ang pin na tanda ng pinakamataas ng grado sa Manila Police District mula kay DIDM Deputy Director P/Brig. Gen. Samuel Nacion sa pagtatapos ng Investigation Officers Basic Course na ginanap sa Muntinlupa City. Kuha ni Jon-jon Reyes

Ilang MPD officers, nagtapos ng IOB Course

December 15, 2022 Jonjon Reyes 114 views

MATAGUMPAY na nagtapos ang ilang mga opisyal ng Manila Police District (MPD) sa Investigation Officer Basic Course na mahigit isang taong pag-aaral ng mga kapulisan mula sa iba’t-ibang distrito sa Kalakhang Maynila, Miyerkules Disyembre 14, 2022.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Col. Rodel B. BORBE, station commander ng MPD PS (Police Station) 13, Baseco Compound, Port Area, Maynila at P/Maj. Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic and Enforcement Unit (MDTEU) na mula sa “Manila’s Finest” na nakuha ng ikalimang pwesto, na may mataas na grado na 86.48%.

Kabilang din sina P/Lt. Col. Damaso Burgos, P/Lt. Joel Aquino, P/Lt. Jomer Juhan, P/Lt. Jerry Campo, P/Capt. Maribel Casayuran, P/Capt. Ferdinand Belandres, P/Lt. Virgilio Maboloc, P/Lt. Darryl Marquez at iba pang mga opisyal mula sa iba’t-ibang istasyon at opisina ng MPD.

Kabilang ang sampung opisyal ng MPD ang nagsipagtapos sa 59 na kapulisan at opisyal mula naman sa Eastern Police District (EPD), Northern Police District (NPD), Southern Police District (SPD), Quezon City Police District (QCPD), at ang National Capital Police Region Office (NCRPO) sa Bicutan, Taguig.

Pinangunahan naman P/Brigadier Gen. Samuel Nacion, ang deputy director ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ang certificate conferment ng mga parangal at pinning ng IOBC badge bilang panauhing pandangal ng nasabing mga graduates na ginanap sa Museo ng Muntinlupa sa Bgy. Tunasan Muntinlupa City.

Bago matapos ang programa ay nagbigay naman ng isang mahalagang mensahe si Nacion, “Tayo ay ginawang alagad ng Diyos, alagad ng mamamayan at alagad ng batas” – bilang suporta sa mga nagsipagtapos at lubos na nagpasalamat si P/Col. Angel Garcillano.

Nagpaabot naman ng pagbati si MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon sa mga pulis-Maynila na nagtapos ng IOBC Class 05-2022-RNCR, at sinabing, “…nadagdagan na naman ng kakayahan ang kanyang mga kapulisan pagdating sa usaping imbestigasyon sa anumang klase ng krimen.”

AUTHOR PROFILE