Close

Ilang kalye sa Maynila sarado sa Linggo

June 22, 2024 Edd Reyes 154 views

SARADO mula Sabado hanggang Linggo ang ilang portions ng mga kalsada sa Maynila dahil sa inagurasyon ng Pasig River Esplanade, ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Sarado na simula alas-12:00 ng hatinggabi ng Sabado hanggang Linggo ang mga bahagi ng sumusunod na lansangan:

North at South bound lane ng Intramuros-Binondo Bridge, Magallanes Drive mula Plaza Mexico hanggang Jones Bridge at Plaza Lawton mula Jones Bridge hanggang MacArthur Bridge.

Sa mga motoristang gagamit ng naturang mga daan, maaaring gamiting alternatibong ruta ng mga manggagaling sa Pier ang Padre Burgos Avenue, kanan ng Katigbak, kanan ng Bonifacio Drive, diretso ng Anda Circle patungo sa destinasyon.

Isasara rin sa Linggo ang North at South bound lane ng Roxas Boulevard Katigbak Road at South Drive para sa sa BINI Fun Run X Move Manila.

Pwede dumaan ang mga bikers ng MOVE Manila sa Roxas Blvd mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga.

AUTHOR PROFILE