Caloocan

Ilang kalsada sa Caloocan sarado sa Bonifacio Day

November 28, 2024 Edd Reyes 85 views

MAY traffic rerouting ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa mga isasarang kalsada sa paligid ng Bonifacio Monument kaugnay sa 127th birthday ni Andres Bonifacio sa Nobyembre 30 sa Caloocan City.

Isasara simula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali ang MacArthur Highway mula sa Calle Cuatro, Samson Road mula sa Lapu-Lapu St., Rizal Avenue mula sa 19th Avenue at EDSA Northbound mula Gen. Rosendo Simon na patungo sa Monumento.

Makikipag-ugnayan ang MMDA sa Caloocan para sa pagtatalaga ng mga traffic enforcers, Road Emergency Group enforcers at Mobile Patrol Unit sa mga apektadong lugar upang matiyak na magiging maayos ang isasagawang kaganapan sa BMC.

Hinimok ng MMDA ang mga motorista at mga truckers na gamitin muna ang mga alternatibong daan na kanilang itatalaga upang hindi maabala.

Ang mga light vehicles na magmumula sa MacArthur patungong Maynila dapat kumanan sa Reparo Road, kanan sa Kasoy Rd. kaliwa sa Mango Rd, kaliwa sa Araneta Avenue, kanan sa Heroes Del 96, kaliwa sa 10th Avenue patungo sa destinasyon.

Ang mga magtutungo naman sa Sangandaan, kumaliwa na sa 10th Avenue at kanan sa A. Mabini habang ang magmumula sa EDSA patungong MacArthur Highway at dapat kumanan sa Gen. Rosendo Simon at kaliwa sa Calle Uno kanan sa MacArthur Highway.

Ang mga truck na magmumula sa northbound patungong southbound kailangang gamitin ang NLEX Connector o NLEX Smart Connect patungo sa kanilang destinasyon habang ang magmumula sa Quirino Highway kailangang kumaliwa sa Mindanao Ave. Ext. at kumaliwa sa NLEX patungo sa destinasyon.

AUTHOR PROFILE