Tugade

Ilang driving schools, sobra maningil – Tugade

February 24, 2023 Jun I. Legaspi 412 views

LTO handang magbigay ng ‘free TDC’

KINUMPIRMA ni Transportation Assistant Secretary at hepe ng Land Transportation Office (LTO) ang mga balita na “sobrang mahal” ang sinisingil ng mga driving school sa pagkuha ng driver’s license.

Sa isang video conference, sinabi ni Tugade na may mga kakilala siya at mga kaibigan na nagsabi sa kanya na sobrang mahal umano ang singil ng ilang driving schools sa mga kumukuha ng student’s permit at mga nagre-renew ng lisensiya.

Ayon kay Tugade, Nobyembre pa lang matapos italaga siya sa puwesto ay agad niyang pinasilip ang problemang ito.

Matapos pag-aralan at imbestigahan ang mga hinaing na ito, masayang ibinalita ni Tugade na sa katapusan ng Marso 2023 ay maglalabas ng mga recommendation ang Technical Working Committee (TWG).

Naniniwala si Tugade ito ay para sa kabutihan ng publiko lalo na sa mga kumukuha ng driver’s license.

Sinabi pa ni Tugade, na agad din nyan inatasan ang mga regional director ng ahensiya sa buong bansa na mas lawakan pa ang pagbibigay ng “libreng” Theoretically Driving Course (TDC) sa mga kumukuha ng student’s permit at nagre-renew ng mga lisensiya.

Ang TDC ay requirements ng batas bago makakuha ng student permit’s at driver’s license renewal.

Dagdag pa niya, nasa close coordination ang kanyang opisina sa lahat ng regional directors, barangays, at local government units (LGUs) maging sa government’s agencies para sa libreng (TDC).

“Tama po kami na mismo ang nagpupunta at nagbibigay ng ‘free’ TDC, provided ng agency libre po,” pag-uulit ni Tugade.

Posible rin ang pangunahan ng ahensiya, kasama ang iba pang mga grupo o organisasyon, ang pag-amiyenda ng batas kaugnay sa problemang ito sa Kongreso.

Nauna rito, nagsama ng resolution si 4th District Pampanga Rep. Ana York Bondoc, upang imbestigahan ang mataas na singil na umaabot ng P9,000 hanggang P15,000 para makakuha ng non-professional driver’s license sa mga driving school.

AUTHOR PROFILE