Yap

’Igan Arnold nag-react sa teaser ng pelikula ni Darryl Yap

January 4, 2025 Vinia Vivar 76 views

Maging ang batikang anchor/broadcast journalist na si Arnold Clavio ay napukaw din ang atensyon sa viral teaser ng pelikula ni Darryl Yap.

Matatandaang inilabas ng direktor ang teaser ng nasabing pelikula sa kanyang Facebook page nitong nakaraang Miyerkules.

Sa Instagram page ni ’Igan (tawag kay Arnold) ay nagbigay siya ng kanyang matapang na reaksyon tungkol sa teaser. Tulad ng ibang netizens, halatang ikinagulat din ng veteran broadcaster ang pagkakabanggit sa pangalan ni Vic Sotto.

Parte ng post ni ’Igan, “Puwedeng magtago sa artistic freedom ang direktor pero hindi sa mga umiiral na batas. Maliban kung may public record ang korte batay sa akusasyon. Baka iyon ang intensyon, ang manggulat!” pahayag ni Igan.

“Ilang dekada nang binubulabog ang pilipino ng isyung ito. Tuwing may malalaking mga problema ang isyung ito ay laging panligaw,” patuloy niya.

Tila tinumbok din niya na may kinalaman sa politika ang paglabas ng pelikula dahil parehong kandidato ngayong 2025 elections ang dalawang Sotto.

Para kay Arnold, malabong maaprubahan ang pelikula ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) na pinamumunuan ni Lala Sotto, anak ni Tito Sotto at pamangkin ni Vic.

Nagpapa-kontrobersyal umano ang nasa likod ng pelikula at ang pag-iingay na ito ay malinaw na paghingi ng simpatiya.

“Tandaan, sa mundong ginagalawan natin hindi dapat mawala ang respeto sa kapwa at pagiging disente. May mga norms at ethics na dapat sundan,” paalala pa ni Arnold.

AUTHOR PROFILE