Arnold

’Igan Arnold, balik-larga sa radyo

January 17, 2022 People's Tonight 205 views

LUMARGA na si Arnold Clavio sa pagbu-broadcast sa morning program sa DZBB kahapon.

Pero phone patch lang muna si Arnold na kasama ni Connie Sison na tumatalakay sa current issues ngayon.

Nagnegatibo na si Arnold sa COVID 19 base sa Instagram post niya ng latest antigen swab test.

Sa kanyang IG ay nagpasalamat si Arnold sa lahat ng mga nagdasal na gumaling siya at nagpaalala sa lahat na mag-ingat mabuti sa kalusugan.

“Kayo ang aming naging booster upang mapagtagumpayan ito,” saad ni ’Igan.

Abangers na ang publiko ang pagbababalik ni Arnold sa live edition ng GMA evening newscast na Saksi.

LuluRHEN, WALANG NAKARELASYONG TOMBOY

GIRL love o tomboyan ang latest offering ng Vivamax na Lulu.

Totoong member ng LGBTQ ang isa sa mga bida rito na si Rita Martinez, finalist sa The Voice Philippines Season 2.

Katambal ni Rita si Rhen Escaño na nakagawa na ng kaparehong tema sa pelikulang Adan.

Pero itinanggi ni Rhen sa virtual mediacon na meron na siyang nakarelasyong LGBTQ. Aminado lang siyang hindi naging maganda ang naging relasyon sa mga lalaki.

Ayon naman sa direktora na si Sigrid Bernardo, passion project niya ang Lulu na walong episodes ang mapapanood sa series.

Ang naunang pelikula niya na Huling Cha Cha ni Anita ay tungkol din sa pagkamaulat ng isang batang babae sa kanyang tunay na kasarian.

Streaming na sa January 21 sa Vivamax ang Lulu na terminology ng ilang LGBTQ. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE