Bomb WOW MALI ULI–Iniinspeksyon ng isa sa operatiba ng Manila Police District Explosive and Canine Unit ang kahina-hinalang bag sa Plaza Roma sa harap ng Manila Cathedral sa Intramuros Manila. Hindi bomba kungdi kutsara, tinidor, IDs at litrato ang laman ng bag. Kuha ni Jon Jon Reyes

IDs, litrato inakalang bomba sa Manila Cathedral

December 8, 2023 Jonjon Reyes 133 views

NABULABOG ang misa habang ipinagdiriwang ang kapistahan ng Immaculate Conception noong Biyernes dahil sa kahina-hinalang handbag na iniwan sa harap ng Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila.

Sa impormasyon ng Manila Police District (MPD)-District Explosives and Canine Unit na isinumite kay Police Lt. Col. Gilbert Cruz, commander ng MPD Police Station 5, bandang alas-8:15 ng umaga nang mapansin ng guwardiya ng Intramuros ang naiwang bag sa Plaza Roma harap ng simbahan.

Pero nang buksan ang bag ng mga tauhan ng MPD-DECU team, naglalaman ito ng baunan, kutsara, tinidor, IDs at litrato.

AUTHOR PROFILE