Khimo

‘Idol PH’ Top 5, susundin ang payo ni Vice

September 30, 2022 Ian F. Fariñas 91 views

HINDI nila iiwan ang ABS-CBN. ’Yan ang pare-parehong ipinangako ng Idol Philippines Season 2 Top 5 sa isang virtual mediacon kamakailan.

Pinangunahan ang pangangakong ito ng grand winner na si Khimo Gumatay bunsod ng katanungan tungkol sa ipinayo ng dating Idol Philippines judge na si Vice Ganda sa kanya at kina Ann Raniel, Bryan Chong, Ryssi Avila, Kice.

“Sana mag-stay ka muna sa network na ’to,”

wish ni Vice bago pa tanghalin ang bagong Idol PH champ.

Ani Khimo, “Maipapangako ko po na mag-i-stay po ako dito sa ABS-CBN Entertainment po and the network itself po dahil ito po ‘yung nagbigay sa akin ng blessing and at the same time ng opportunity po para maiharap ko po ‘yung sarili ko sa maraming tao and somehow po makapag-inspire ng tao.”

Sinabi rin niya na hindi ito malaking sakripisyo para sa kanya.

At dahil isa itong katuparan ng kanyang pangarap, handa raw si Khimo na paglalaan ng oras ang ibinigay na pagkakataon ng Kapamilya network sa kanya.

“Pagbubutihin ko pa talaga,” dagdag niya.

Katunayan, para sa career, willing din si Khimo na isakripisyo maging ang lovelife niya kung kinakailangan.

AUTHOR PROFILE