Default Thumbnail

Iba’t ibang campus pumipila para masugod

February 10, 2025 Jun Nardo 185 views

NAKAPILA na ang campuses na gustong masugod ng “Eat Bulaga” sa bagong pakulo nitong Sugod Campus na nagsimula last Saturday.

Unang nasugod ng Dabarkdas ang Laguna State Polytechnic University(LSPU) sa San Pablo, Laguna.

Sa isang gym naganap ang programa nang live. Pawang mga estudyante sa LSPU ang naging kalahok sa segments gaya ng Gimme Five at iba pa.

Nabiyayaan ng cash prize ang nanalo ng poster at bigas. Isang working student naman mula pa nu’ng elementary ang napili bilang isa sa E-Bet scholars at estudyante rin ang nagbigyan ng malaking halaga sa Sugod Campus.

Ang highlight ng pagsugod sa LSPU ng “Eat Bulaga” ay ang pangako ni Senator Tito Sotto na ipa-repair ang bubong ng gym na butas-butas na.

Eh, dahil sa masayang pagtanggap ng LSPU students, faculty members at empleyado doon, heto at pinipiling mabuti ng “Bulaga” kung saang campus ang next na susugurin.

AUTHOR PROFILE