Borbe Iniharap kay PLt. Col. Rodel Borbe ang narekober na shabu na halos P3.4 million ang halaga matapos marekober at maaresto ng MPD at PDEA ang suspect na si Tato Sali alyas “Tohanmi” sa buy-bust operation sa Malate. Kuha ni Jon-Jon Reyes

HVT tiklo sa P3.4M shabu sa Malate

April 4, 2022 Jonjon Reyes 376 views

PASOK sa kulungan ng Manila Police District (MPD) Malate Police Station 9 ang isang “high-value target” (HVT) nang magsagawa ang mga tauhan ng Station Drug Enforcerment Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan nasamsam ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang condominium sa Mabini St., Malate, Maynila.

Kinilala ni MPD Director P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco ang suspek na si Tato Sali alyas “Tohanmi”, 32-anyos, may condo unit sa Le Mirage Mabini St., Malate.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, commander ng MPD-Malate Police Station 9, Linggo ng gabi nang ilatag ang buy-bust operation sa tinutuluyang condo ng suspek.

Pinangunagan ni P/Lt. Josephus Melpaz ang operasyon matapos makatanggap ng report na isang HVT ang naispatan sa Ermita, Malate at ilang lugar sa lungsod ng Pasay.

Ayon kay PLt. Col. Borbe, matagal ng sinusubaybayan ang iligal na aktibidad ng suspek dahil ito mismo ang nagbabagsak ng shabu.

Sa isinagawang buy-bust, ipinain ang P1,000 marked money at dito nakumpiska ang kalahating kilo ng shabu na aabot sa P3.4 milyon ang halaga.

Kasong paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE