
HVI timbog; P1.173M shabu, boga nakumpiska sa buy-bust
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Arestado ng mga otoridad ang isang tinaguriang high value individual (HVI) nang mahulihan ng shabu at boga sa buy-bust opearation sa Bgy. Dela Paz Proper, Batangas City, noong Miyerkules.
Ayon sa report ni Batangas Provincial Director Col. Samson B. Belmote kay Acting Police Regional Office Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas ang suspek ay dinakip bandang 10:55 p.m. ng December 13, 2023 ng City Drugs Enforcement Unit (CDEU) personnel ng Batangas City Police Station (PS).
Nakarekober mula sa suspek ang 1 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 170 gramo at tinatayang nasa standard drug price na P1,173,000; P1000 bill na may serial number na WS133162, isang Para Ordnance kalibre .45 pistol na may serial number 182575; isang kalibre .45 magazine, at pitong pirasong bala para sa nabanggit na sandata.
Kasalukuyang nakaditene ang suspek sa piitan ng lungsod para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.