HVI Ang suspek na nahulihan ng droga sa inilatag na buy-bust ng mga otoridad. Larawan mula sa Batangas PPO PIO

HVI na ‘tulak’, timbog sa Batangas drug sting

May 29, 2023 Jojo C. Magsombol 515 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Timbog ng mga otoridad ang isang indibidwal sa ginawang drug buy-bust operation sa Barangay Bolbok, Batangas City dakong alas 8:03 ng gabi nitong ika-26 ng Mayo.

Ikinasa ng Batangas City Police Station (CPS) sa pangunguna ng hepe nito na si Police Lieutenant Colonel Diana Dela Cruz Del Rosario, ayon kay Provincial Police PIO (Public Information Office) chief P/Lt. Pauline P. Fernando.

Ayon kay Acting Provincial Director P/Col. Rainero M. De Chavez, ang drug suspek at kasabwat nitong sinasabing “pusher,” isang tricycle driver at residente ng Bgy. Bolbok, ng nasabing siyudad.

Nahuli ang suspek matapos magbenta ng plastic sachet ng shabu sa isang poseur buyer.

Narekober din sa suspek ang pito pang pakete ng shabu na naglalaman ng nasa 10.20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P70,300, at isang cellphone.

Naging posible ang pagkakadakip sa suspek at ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA (Republic Act) 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Sinabi ni De Chavez na ang kapulisan ng Batangas ay walang humpay sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra iligal na droga upang tuluyan na itong mapuksa.

“Ang suporta at pakikiisa ng mamamayan ay malaking tulong sa amin para mapanatiling ligtas, payapa, at maunlad ang probinsya ng Batangas,” ani ng opisyal.

AUTHOR PROFILE