Delima Dating Sen. Leila de Lima

Hustisya nakamit ni de Lima

June 24, 2024 PS Jun M. Sarmiento 108 views

PINAPURIHAN ni Sen. Risa Hontiveros ang tagumpay na nakamit ni dating Sen. Leila de Lima matapos magdesisyon ang korte sa huling kaso laban sa dating senadora, kung saan ay tahasang dinismis ito pabor kay de Lima na ikinasa sa kanya ng dating administrasyon.

Tuluyan nang nakamit ni de Lima ang hustisya matapos ang mahigit anim na taong pagkakabilanggo kaugnay sa akusasyong pagkakasangkot umano niya sa iligal na droga sa panahon ng administrasyon ng dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Kinatigan ni Muntinlupa City Regional Trial Court Presiding Judge Gener Gito ng Branch 206 ang inihain ni de Lima na demurrer to evidence na magbabasura nang tuluyan sa kanyang ikatlo at huling kaso na may kaugnayan sa umano’y pakikipagsabuwatan niya sa kalakaran ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Nakasaad sa Rules on Criminal Procedure na ang demurrer to evidence ay isang mosyon na humihiling na ibasura ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensiyang inihain ng tagausig na kapag sinang-ayunan ng hukuman ay katumbas na rin ng pagpapawalang sala sa nasasakdal.

Magugunita na noong Nobyembre ng nagdaang taon, pinagbigyan din ni Gito si de Lima na makapaglagak ng piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan.

Naghain si de Lima ng mosyon ng demurrer to evidence sa halip na sumailalim sa paglilitis sa paniwalang hindi sapat ang ebidensiyang inihain ng tagausig laban sa kanya.

Inakusahan si de Lima sa ikatlo at huling kasong isinampa laban sa kanya dahil sa pakikipagsabuwatan umano sa malawakang kalakaran ng iligal na droga sa loob ng maximum security compound ng bilibid bilang dating Kalihim ng Katarungan.

Sa naturang kaso, inakusahan ang dating mambabatas na tumanggap ng P70 milyong suhol sa sindikato ng iligal na droga sa bilibid na kanya umanong ginamit sa kampanya nang tumakbo at nagwagi bilang senador noong 2016 national elections.

Hustisya

Para kay Hontiveros, pinatunayan lamang aniya ng korte na may hustisya sa bansa matapos na ibasura ang nasabing kaso ng illegal drugs laban kay de Lima, dahil sa rason na ito umano’y walang tunay na basehan.

“She has faced public ridicule and injustices, yet she remained steadfast in her commitment to truth and justice. Noon pa man, alam kong walang sala si Sen. Leila at umaapaw ang kaligayahan sa puso ko na ngayon ay nakamit na niya ang hustisya. From ‘Free Leila Now’ to ‘Now, Leila is free,’” ani Hontiveros.

Hinikayat din ni Hontiveros si de Lima na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga nasa likod ng mga diumano’y walang basehan na pagbibintang laban sa kanya, na nagresulta ng kanyang pagkakakulong sa loob ng pitong taon at sumira sa kanyang pangalan at reputasyon.

“We need to focus our attention on those who have wrongly accused her. False charges compromise not only the accused’s reputation but also the integrity of our legal system. We call upon the authorities to pursue and hold accountable those who have perpetuated these unfounded allegations. Justice must be served, and those who have wronged her and our legal system must face the consequences of their actions,” paghihikayat ni Hontiveros.

Inayunan naman ng Akbayan party ang suhestiyon ni Hontiveros at pinapurihan din nila ang korte sa desisyon nito pabor sa dating senadora.

Pinatunayan aniya ng korte na sa Pilipinas, may hustisya lalo’t ang mga kaso laban kay de Lima ay walang basehan at pampulitika lamang.

“This momentous decision is a triumph for justice and the culmination of years of tireless struggle: from the diligent efforts of Senator De Lima’s legal team to the unwavering support of countless advocates who campaigned tirelessly for her innocence. Amid adversity, Senator De Lima’s unwavering courage has brought us to this hard-won victory,” giit ng Akbayan.

Nagpapatunay din aniyang umiiral ang demokrasya at ito ay tagumpay ng maraming mamamayan na nakaranas ng pangaapi at pangaabuso gamit ang diumano’y kapangyarihan ng iilan na dating nasa poder.

“Genuine opposition does not engage in trapo political maneuvering and fake ‘unity alliances,’ ravage confidential funds and remain silent in the face of oppression. Instead, it courageously speaks truth to power, condemning the culture of violence and impunity that has plagued our nation and cost countless lives. It stands against complicity in the tragic deaths resulting from a ruthless drug war now under scrutiny for potential crimes against humanity. Real opposition does not remain silent while our fishers and frontliners endure foreign oppression from those unlawfully encroaching upon our waters,” sabi ng Akbayan.

“True opposition has consistently defended democracy despite facing ridicule and persecution. Today’s verdict underscores that the path to justice is paved with resilience, courage and determination,” giit ng Akbayan.

Hinikayat din ng Akbayan ang lahat na magbunyi dahil tagumpay aniya ang katotohanan laban sa ilang mapangabuso sa kapangyarihan. Ni PS JUN M. SARMIENTO & EDD REYES