Default Thumbnail

Hunyo 24 special non-working day sa Manila

June 19, 2024 Chona Yu 93 views

IDINEKLARANG special non-working day ng Palasyo ng Malakanyang ang Hunyo 24 sa lungsod ng Manila.

Ito ay para sa ika-453 founding anniversary ng lungsod.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation No. 599, ngayong araw Hunyo 19.

“It is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” saad ng proklamasyon.

Ang Manila ang nagsisilbing capital ng Pilipinas na sentro ng economic, political, social, at cultural activity.

AUTHOR PROFILE