Guess

Hunky actor na walang kabuhay-buhay umarte, unti-unting buburuhin ng network

October 13, 2023 Jun Nardo 346 views

MALAMANG na huling TV series na ng hunky actor ang ginagawa niya ngayon.

Kasi naman daw, halos ibinuhos na ng network ang magagandang breaks sa kanyang career pero parang hindi pa rin siya umangat-ungat.

Oo, leading man material si hunky actor. Pero hirap pa rin siyang kagatin ng publiko.

Kasi naman, walang improvement sa pag-arte si young hunky actor. Kung ano ang acting nu’ng nagsisimula, hanggang ngayon ay ganoon pa rin. Walang buhay!

So, kung unti-unting isantabi muna ang hunky actor ng network, parang napagod na rin ang namamahala sa career niya dahil wala pa ring excitement na nadarama sa kanya, huh!

AUTHOR PROFILE