BBM

Hulyo 27-23 idineklarang Nat’l Disability Rights Week

June 19, 2024 Chona Yu 153 views

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Hulyo 27-23 kada taon bilang “National Disability Rights Week”

Ayon sa Pangulo, patunay ito sa commitment ng Pilipinas sa United Nations convention on the Right of Persons with Disabilities (UNCRPD).

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang dalawang pahinang Proclamation No. 597 noong Hunyo 13.

Inaatasan ng proklamasyon ang Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng National Council on Disability Affairs (NCDA) na pangunahan ang pagdiriwang “National Disability Rights Week.”

Inatasan din ang NCDA na alamin ang mga programa, aktibidad at mga proyekto para sa selebrasyon.

Habang ang lahat ng ahensiya ng gobyerno kabilang ang government-owned or controlled corporations, state universities and colleges at pribadong sektor ay inatasan na obserbahan ang pagdiriwang o selebrasyon.

Ayon kay Pangulong Marcos ang Pilipinas ay nakatuon sa layunin ng UNCRPD na i promote , protektahan at siguruhin ang ganap at pantay na pagtatamasa ng lahat ng karapatang pantao at mga pangunahing kalayaan ng mga taong may kapansanan, gayundin itaguyod ang paggalang sa kanilang dignidad.

AUTHOR PROFILE