Mahal

Huling paalam ni Mahal

September 1, 2021 Aster Amoyo 828 views

Mahal1Mahal2Mahal3IT was in early 1990’s nang una kong makilala si Noeme `Mahal’ Tesorero dahil parati itong karay-karay sa aming dating tanggapan sa OctoArts Films ng dati kong alaga, ang dating “That’s Entertainment” member at dating talent ng OctoArts na si Mikee Villanueva, now based in the U.S. Sa loob ng mahigit dalawang taon ay sa bahay nina Mikee nakatira si Mahal na kasing edad lang din noon ng singer-actress. Nawala si Mahal kay Mikee nang mag-desisyon ang huli na mamirmihan sa Amerika matapos itong mag-asawa. Since then ay nagpalipat-lipat si Mahal ng tirahan.

In 1991, napasama si Mahal sa pelikulang “Anak ni Janice” na tinampukan nina Janice de Belen, Rene Requiestas, Janno Gibbs at Carmina Villarroel at dinirek ni Mike Relon Makiling under Regal Films. Napasama rin siya sa TV series ng ABS-CBN, ang “Kokey” in 1997 at pelikulang pinagbidahan ni Vhong Navarro in 2003, ang “Mr. Suave”. On the same year ay napabilang si Mahal kasama ang kanyang ka-tandem na si Mura (Allan Padua) sa dating noontime program ng ABS-CBN, ang “Magandang Tanghali Bayan” (MTB) kung saan nabuo ang kanilang tambalan at pagiging magkaibigan. Katunayan, just recently ay sinadya ni Mahal ang kaibigan niyang si Mura (Allan) sa tinitirhan nito sa isang bundok sa Bicol kung saan niya ito dinalhan ng isang sakong bigas at mga grocery items plus cash (P5,000). Napakalayo ng lugar ni Mura. Hindi ito naabot ng kanilang sasakyan, at naglakad pa sila ng halos 45 minutes sa madilim at madulas na daan. Napaiyak at nagpasalamat naman si Mura sa ginawang gesture ni Mahal na nagsabing masusundan pa umano ang kanyang bigay na tulong. Pero ang pangakong ito ni Mahal sa kaibigan ay hindi na masusundan pa dahil sumakabilang-buhay ang 3 ft. tall actress at YouTuber nung hapon ng Martes, August 31 dahil sa gastro problem at Covid-19 coronavirus sa isang local hospital ng Tanauan, Batangas. Ang nakakalungkot, nung nakaraang August 5, 2021 lamang punamaw ang ama ni Mahal at age 74, twenty six days apart ng pagkamatay niya.

Unknown to many, si Mahal ay isa ring successful vlogger at meron na siyang 524K subscribers sa kanyang YouTube channel. Naging makulay din ang kanyang buhay pag-ibig. In November 2015, si Maha who was 40 at that time ay ikinasal kay Jobbie Hebrio, who was then 25, sa civil wedding rites na ginanap sa Quezon City Hall at kung saan isa sa mga witness ay si Councilor Victor Ferrer at ang dalawang singer friends ni Mahal na sina Mae Rivera at Kissa Kurdi. Si Jobie ay dating butcher at merchandiser sa isang supermarket. Ang reception naman ay ginanap sa tahanan ni konsehal Ferrer in Fairview, Quezon City. Pero ang union na ito ay napunta rin sa hiwalayan.

Nagkaroon din ng relasyon si Mahal sa namayapang singer na si Jimboy Salazar who later turned out na isang homosexual. Pero may isang bagong pag-ibig na dumating kay Mahal nang dumating sa kanyang buhay ang indie actor na si Mygz Molina na nakatrabaho ni Mahal sa “Id’Nal’ movie in 2012. Pero nagsimulang mag-post ng picture nila together si Mahal in 2014 and up to the time of her death ay si Mygz ang kanyang kasama na siya rin niyang katuwang sa kanyang vlog. Si Mygz bale ang pinakamatagal na naka-relasyon ni Mahal.

Bago pumanaw si Mahal ay nakagawa rin ito ng isang TV series sa GMA, ang “Owe My Love” at nag-guest din siya sa “Dear Uge”.

Si Mahal ay pumanaw sa edad na 46, four months short sa kanyang 47th birthday on December 29.

Direk Yam may kakaibang handog

SA unang pagkakataon ay pinagsama ng Viva Films ang dalawa sa kanilang contract talents, ang fast-rising star na si Rhen Escano at isa sa mga matinee idol nung dekada nubenta na si Jao Mapa sa upcoming Vivamax presentation na “Paraluman” mula sa award-winning director na si Yam Laranas.

A sexy romance-drama, the writer-director emphasized na ang “Paraluman” ay hindi isang ordinaryong May-December affair between a young girl and a man double her age.

“There is something into their love story na kailangang mapanood ninyo in its entirety,” simula ni Direk Yam.

“Was it just a sexual and physical attraction o merong kasamang love sa kanilang dalawa?,” dugtong pa ng director.

Rhen and Jao play Mia and Peter in the movie “Paraluman,” isang sexy romance-drama movie kung saan tampok din sina Gwen Garci who plays Giselle at live-in partner ni Peter na nakatakda na sana niyang pakasalan until he met Mia, ang nakababatang kapatid ng isa nilang kaibigan kung kanino siya nahumaling at na-in love nang husto.

Ayon kay Direk Yam, napakaganda umano ng chemistry nina Rhen at Jao sa pelikula considering na first time nilang nagkatrabaho. Nakatulong din sa dalawa ang kanilang workshop para matanggal ang awkwardness laluna pagdating sa intimate scenes.

Napakaganda ng theme song ng “Paraluman” na kinanta ni Adie, isang young music artist na siya ring kumanta at nagpasikat ng makabagbag-damdamin na awiting “Luha”.

RhenRhen masaya sa Singapore experience

SAMANTALA, kasalukuyang nasa Singapore si Rhen Escano shooting her first international movie, isang romance-drama na pinamagatang “Sunday” na pinagtatambalan nila ng Vietnamese actor na si Ho Thanh Trung at kung saan din tampok ang iba pang Asian actors tulad nina Adrian Pang at Michelle Saram (ng Taiwan’s “F4”) at iba pa mula sa direksiyon ng Singaporean director na si Sean Ng. Ito’y isang love story ng dalawang migrant workers, isang Filipino domestic helper na si Lily (Rhen) at ng bus boy na si Minh (Trung).

“Nakaka-ten shooting days pa lamang kami kasi na-quarantine ako sa hotel for two weeks pagdating ko ng Singapore,” kuwento ni Rhen.

“Nakakatuwa ang experience ko rito sa Singapore. They’re all so nice. Kahit may mga health protocol din dito, hindi kasing higpit kumpara sa atin diyan sa Pilipinas,” pagbabahagi pa ni Rhen who is expected to be back in Manila hopefully first week of October.

Ang pelikulang “Paraluman” ay second movie ni Rhen na maipapalabas sa Vivamax at iba pang digital streaming platform. Nauna na rito ang digital hit movie na “The Other Wife” na pinagsamahan nila nina Lovi Poe at Joem Bascon at dinirek ni Prime Cruz. Ang nasabing pelikula ang dahilan kung bakit kailangan na niyang magpaalam sa “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan siya naging kabilang sa loob ng isang taon at tatlong buwan.

“Nakaka-miss din dahil i sobrang napamahal sa akin ng programa at mga kasamahan ko sa serye lalung-laluna si Coco (Martin). Pero ang maganda, tuloy pa rin ang communication namin lahat at meron kaming group chat kaya updated din ako sa mga bagong kaganapan sa serye,” ani Rhen.

Natutuwa rin si Rhen sa pagpasok ni Julia Montes bilang bagong love interest ni Coco sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

“Siguradong matutuwa ang mga fans nilang dalawa ni Coco,” aniya.

Kathryn at Daniel magsisimula na sa bagong TV series

TIYAK na magbubunyi ang fans ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil magsisimula na ang dalawa sa kanilang bagong TV series under RSB unit ng writer-director at head ng scripted programs ng ABS-CBN na si Ruel S. Bayani. Ang bagong serye ay pamamahalaan ni Direk Mae Cruz-Alviar na siya ring nagdirek sa dalawang blockbuster movies nilang “Crazy Beautiful You” in 2015 at “Can’t Help Falling In Love” nung 2017. Bukod sa bagong serye, may inihahanda ring bagong movie for them.

Sina Kathryn at Daniel ay huling napanood sa pelikulang “The Hows of Us” in 2018, isa sa dalawang top grossing films of all time (the other one ay ang “Hello, Love, Goodbye” na pinagtambalan nina Kathryn at Alden Richards in 2019). Both movies were directed by Cathy Garcia-Molina under Star Cinema. Nagkaroon ng 13-part series ang dalawa sa “The House Arrest of Us” na ipinalabas sa IWant TFC starting last January.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE