Marya

Huling boksing ko na ’to — Marya … aktres, nag-sorry sa mga anak

October 5, 2021 Vinia Vivar 332 views

Bihirang ipakita ni Maricel Soriano sa publiko ang dalawa niyang anak na sina Marron at Sebastien kaya naman natuwa ang fans sa kanyang latest YouTube vlog kung saan ay kasama niya ang mga ito.

Binatang-binata na nga ang dalawa niyang anak.

Si Marron ay may longtime girlfriend na habang si Tien naman ay zero raw ang lovelife ngayon.

Sa nasabing vlog ay natanong ang dalawang boys tungkol sa kanilang ina at ayon kay Marron, napaka-good provider daw Marya.

“Actually, ‘yung mom ko, hindi man siya lagi naming kasama before, nun’g younger days namin, but she was a very good provider. So kumbaga, nu’ng younger days namin, naiintindihan ko na busy kasi ang mom ko, siyempre to provide for us,” pahayag ni Marron.

Aminado naman ang aktres na marami siyang pagkukulang bilang ina at inihihingi niya ito ng kapatawaran.

“I had to say sorry to the both of them. Sabi ko, ‘sana, you can still find, you know, a place in your heart to forgive me.’ Kasi ang dami kong pagkukulang talaga sa mga anak ko. ‘Yung oras, ‘yung panahon na ang daming dapat nandu’n ako, wala ako.

“Na binigyan naman nila ako ng chance. Kaya siyempre, ’di ba, grateful na grateful naman ako,” ani Maria.

Ayon pa kay Diamond Star, ang dalawa ang kanyang rock matapos mamatay ang kanyang ina.

Aminado siyang nahirapan din sina Marron at Tien nang mawala ang lola nila.

“Konting kibot ako, mommy. Silang dalawa rin, kay Mommy rin. Lahat kami, mommy. Nahirapan din sila, eh, nu’ng mawala si Mommy.

Pero okay naman na kami,” ani Maria.

Sinabi rin ng aktres na patuloy pa rin siyang kumakayod ngayon para sa dalawang anak.

“Kumbaga, huling boksing ko ‘to. Para sa mga anak ko ‘to. Hindi ako papayag na mawala ako na walang nangyari sa mga anak ko. Hindi ko sila iiwanan na wala sila. Kasi 56 na si Mama, ’di ba? Pero salamashte pa rin, ’di ba? Salamashte nang salamashte si Mama,” sey ni Marya.

AlfredjoyCONG. ALFRED, NAG-FILE NG COC

nag-file na ng kanyang COC (certificate of candidacy) para sa 2022 elections si Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas.

Hindi pa inaanunsyo ni Cong. Alfred kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhin pero definitely ay hindi siya reelectionist dahil pangatlong termino na niya ngayon bilang congressman.

Ang bali-balita, councilor ang tatakbuhin niya pero hindi pa ito ma-confirm as of presstime.

Nag-post si Cong. Alfred kahapon sa kanyang Facebook page ng kanyang filing.

Makikita sa larawan na kasama niya sa pag-file ang kanyang beautiful wife na si Yasmine.

“Nagpapasalamat po tayo sa panibago na namang opportunity to serve!

“Thank you, Amore, dahil palagi kang nasa tabi ko sa bawat laban. Thank you, Mayor Joy Belmonte sa pagiging halimbawa ng sipag at malasakit para sa QCitizens. Thank you, Vice Mayor Gian Sotto at Cong. Kit Belmonte. Gayundin ang pasasalamat natin sa ating mga ka-District V na patuloy na nagtitiwala at nagmamahal sa amin ni Coun. PM Vargas.

“To God be the glory,” ang caption ng aktor/politiko.

Bago ang filing ni Cong. Alfred, last Monday ay sinamahan niya ang kapatid na si Counselor PM Vargas sa pagpa-file ng COC nito para sa posisyong iiwan ng kuya niya.

“I am proud of PM. He is a natural when it comes to connecting with people and he has an instinct for feeling and understanding their needs.

Mataas rin ang ’empathy quotient’ niya. Minana namin kay Mommy,” pahayag ni Cong. Alfredy tungkol sa kapatid.

“His decision to run for a congressional seat made me emotional on so many fronts. Naalala ko si Mommy and how she would have been proud of her youngest son.

“Public service is one of her legacies which has inspired all her children not only to be of help to the less fortunate and disadvantaged but to effect positive change.

“Si PM ang isang matibay na sandalan ko sa tatlong termino ko bilang kongresista. He would support me in all my initiatives no matter how unpopular they may be.

“Kinausap niya ako bago siya nag-file ng COC. Sabi niya, ‘dapat pang ituloy ang lahat ng iyong ipinaglalaban, Kuya. I understand your cause and vision. And because of that, I will run. Your positive effect on the lives of our kadistritos has to continue. I will do it for your constituents.

You and I owe them that.’ Then I knew, my brother and I are one.

“I am supporting his candidacy because I believe in what he stands for. I’ve known him all his life. We come from the same tree and the fruit never falls far from it. I am proud of PM but I am sure Mom and Dad are even prouder of him,” sey pa ni Cong.

Matapos ang filing ng kapatid, nag-post ang aktor sa kanyang FB at ibinahagi na dumalaw sila sa puntod ng ina.

“We visited and paid our respect kay Mommy matapos mag-file ni Coun. PM Vargas ng kanyang kandidatura para sa Kongreso. Nagpaalam at humingi kami ng blessing sa aming magulang na nagpamulat sa amin ni PM ng tunay na halaga at kahulugan ng serbisyo publiko. Alay namin sa kanya ang bawat sakripisyo at tagumpay sa larangang kanyang isinabuhay.

“Huling bilin niya sa akin: ‘Live and serve with integrity, compassion, and competence.’ Three words PM and I have always stood for and lived by.

“Maraming salamat, Mommy. We will take care of your legacy and we will always make you proud. We love and miss you,” caption ng aktor na huling napanood sa telebisyon sa Kapuso primetime series na Legal Wives.

AUTHOR PROFILE