Pic4

Hula kay Mikael nagkatotoo

December 11, 2024 Aster Amoyo 129 views

NAGKATOTOO ang saju reading noon kay Running Man PH cast member Mikael Daez na magkaka-baby sila ng misis na si Megan Young.

Sinorpresa ng Daez couple ang lahat sa announcement nila sa social media noong Biyernes, December 6, na ipinagbubuntis na ni Megan ang kanilang anak.

Sa episode ng Running Man PH na ipinalabas noong Agosto, sinabi ni Park Seong-jun ang kapalaran ni Kap Mikael pagdating sa pagkakaroon ng anak.

Sabi ni Seong-jun in Korean, “Pagdating sa suwerte sa pagkakaroon ng baby, malakas ito next year and the year after that.”

Binalikan din ni Mikael ang fortune telling moment niya sa phenomenal reality game show at sabi niya sa Instagram post, “What a journey it has been. What a journey to come”

Ai Ai pinilit maging positibo sa kabila ng pinagdadaanan

MATAPOS ang explosive interview niya kay King of Talk Boy Abunda, muling bubuksan ng multi-awarded comedienne and host Ai-Ai delas Alas ang kaniyang puso para pag-usapan ang nangyari sa kanila ng ex-husband na si Gerald Sibayan.

Kuwento niya kina Tuesday Vargas at Buboy Villar sa Your Honor podcast: “Yung araw na sinabi niya sa akin na ayaw na niya ganiyan-ganiyan. Ano ‘yun taping ‘yun ng AOS ( All-Out Sundays). My gosh akala ko, sabi ko, ‘Diyos ko po sana maitawid ko ‘to.’”

Sa kabila ng sakit na nararamdaman ng pagtatapos ng kaniyang marriage, nananatili pa ring positibo ang pananaw ni Aiai sa mga nangyari.

Sabi niya sa Your Honor, “Kahit alam nila na may pinagdadaanan ako and yet napapasaya ko sila. And so I think napakalaking blessing ‘yun.”

Streaming this Saturday night at 7:15 pm sa YouLOL YouTube page, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

Relasyon nina Jose at Gene naging pribado

JoseMARAMI ang nagulat nang ianunsyo ng dating miyembro ng dance group na EB Babes na si Gene Maranan na ikakasal na sila ng TV host at komedyanteng si Jose Manalo.

Ipinost ni Gene sa Instagram noong December 6 ang video ng surprise proposal ni Jose sa isang resort. Mapapanood dito na kumakanta ang TV host ng “Ikaw” ni Yeng Constantino bago niya inilabas ang singsing at lumuhod. Pagkatapos nito, binigkas ni Jose kay Gene ang mga salitang “Will you marry me?”

Naging pribado sila sa kanilang relasyon kaya marami ang nasorpresa sa kanilang engagement.

Matapos ang ilang araw, inilabas din ng couple sa Instagram ang kanilang pre-wedding photos na kinunan sa Canada at Bataan.

Winter ang tema ng kanilang romantic prenup photos sa Canada, samantalang nagsilbing backdrop naman ang cultural heritage buildings at mga sinaunang bahay na may historical background sa kanilang mga litrato na kuha sa Las Casas Filipinas De Acuzar sa Bataan.

Biro tuloy ni Jose sa kanyang caption, “Kaya panay ang PADER-MA KO.”

Christian hindi nao-offend kapag tinatanong ang pagkakaroon ng anak

Pic5IPINAGDIWANG nina Christian Bautista at Kat Ramnani kamakailan ang kanilang ika-anim na wedding anniversary. Sa anim na taon nilang mag-asawa, tanong pa rin ng marami ay kung kailan sila magkakaroon ng baby.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, December 9, tinanong siya ni King of Talk Boy Abunda kung na-o-offend ba sila ni Kat tuwing tinatanong sila tungkol sa pagkakaroon ng anak.

Sagot ng Asia’s Romantic Balladeer, “We don’t take offense kasi parang tradisyon na ‘yan ng Pilipino. Ang lagi ko na lang sinasabi, ‘I have a cat, I have a dog. Check niyo ‘yung Instagram namin.’”

Kaya ang sunod na tanong ng batikang host sa singer, “I’ll bring it to another point: Gaano kahalaga ang anak to a successful marriage?”

Ang sagot ng The Clash judge, “Ang pinakaimportante yata sa isang marriage ay isa’t isa muna. ‘Yung partner mo muna first before ‘yung pressure na magkaroon ng isang anak.”

Pag-amin ni Christian, marami ang hati ang opinyon ukol sa bagay na ito. Aniya, ang iba ay sinasabing dapat mag-focus sa pagkakaroon ng anak, habang ang iba umano ay nagsasabing dapat pagtuunan muna ng pansin ang kanilang partner.

“Meron naman, sinasabi, focus on the marriage so that ‘yung anak makikita ang very very good example ng isang partnership and would admire you more. So depende na lang kung saan sila pupunta,” sabi ng batikang singer.

Ngunit para kay Christian, katulad lang ito ng isang psychology question, “If there is an extreme case na someone is pregnant, if the woman is pregnant, and then you can only save one, sa mga sine, will you save the baby or the mother?”

Sabi pa niya sa huli, “It’s an impossible choice, pero only that moment, only in your faith in God and your trust and faith will give you that answer.”

AUTHOR PROFILE