Sara

Hugpong para kay Sara umaasang tatakbo si Mayor Sara sa Panguluhan

October 3, 2021 Ryan Ponce Pacpaco 191 views

UMAASA ang Hugpong para kay Sara (HPS) citizens’ movement na tatakbo sa Panguluhan si Davao City Mayor Sara Duterte.

Naniniwala ang grupo na magbabago ang isip ni Mayor Sara na nagdesisyong maghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) para sa kanyang ika-tatlong termino ng pagka-mayor ng Davao City.

Naghain si Mayor Sara kasabay ng deklarasyon ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte na hindi na tatakbo sa pagka-bise presidente.

Naunang inihayag ni Mayor Sara ang kasunduan na isang Duterte lamang ang tatakbo sa kanilang pamilya sa nasyunal na halalan sa 2022.

Matapos isuko ni Pangulong Duterte ang kanyang plano, sinabi ng HPS na maaari nang tumakbo si Mayor Sara sa Panguluhan alinsunod sa kanilang naging pag-uusap sa pamilya.

Patuloy na nangunguna si Mayor Sara sa pinakabagong Pulse Asia Survey sa presidential race.

Isinagawa ang Pulse Asia survey noong Setyembre 6-11 2021 kung saan 20% ng respondents ang boboto kay Mayor Sara Duterte bilang kanilang presidential candidate na sinundan ni dating Sen. BongBong Marcos sa nakuha nitong 15% at 13% naman kay Manila City Mayor Isko Moreno.

“The result of the latest survey shows that majority of the Filipino people still prefer Mayor Sara to be the next president for the next six years despite her reluctance to seek presidency,” ani Deputy Speaker at HPS spokesperson Bernadette Herrera, kinatawan ng Bagong Henerasyon (BH) party-list.

Sa dalawang non-commissioned polls na isinagawa mula Hulyo hanggang Agosto 2021, nakakuha si Mayor Sara ng 28% bilang nangungunang presidential bet sa Pulse Asia at OCTA Research Group.

Sinabi ni Herrera tama ang kanilang panawagang tumakbo si Mayor Sara sa pinakamataas na posisyon sa bansa alinsunod sa resulta ng Pulse Asia survey.

Sapul noong nakalipas na buwan, tumaas ang bilang ng mga kasapi ng HPS sa ibat-ibang chapters sa buong bansa at maging sa ibayong-dagat.

Mahigit 20,000 na mga kasapi naman ng HPS ang nagpahayag ng loyalty para manawagan kay Mayor Sara na tumakbo sa Panguluhan. Sinabi ni Mayor Sara nitong Sabado sa kanyang opisyal na Facebook page nang maghain ng CoC na ”I have been honored with the gift of trust and respect of many of our fellow Filipinos. Thank you to everyone who have expressed their support.”

“Many of you do not know me and yet you carry me over your shoulders. Like the other millions of Filipinos, I share with you the same goal of living a peaceful and prosperous life in our country, today and in the many years to come,” ani Mayor Sara.

“I call on everyone to work together for an honest, orderly, and credible elections in May 2022. Daghang Salamat. Mabuhay ang Pilipinas!” apela ni Mayor Sara.

Sinabi naman ni Herrera na: “Mayor Sara’s reluctance to run means she has discernment – a process that includes silence, good counsel and the ability to listen to the voice of the people. This shows she is not a political opportunist.”

“She has consistently shown a gentle heart for her constituents, especially the common folk, and that to many Filipinos, is priceless. A style of governance couched by a strong political will and a thoughtful mind, which many of our citizens believe is what the country needs,” dagdag ni Herrera.

Inilunsad ang HPS noong nakalipas na buwan upang himukin si Mayor Sara na tumakbo sa Panguluhan.

AUTHOR PROFILE