Default Thumbnail

HPG-MPD naglatag ng “Surprise inspections”

February 3, 2023 Jonjon Reyes 245 views

Pinangunahan ni Police Captain Rustan Cinco, hepe ng Manila Police District Highway Patrol Group NCR (MPD HPG-NCR) ang “biglaang” checkpoint sa kahabaan ng Kalaw at Mabini Streets, sa Ermita, Maynila kontra iligal na improvised na plate number na gamit ng mga sasakyan.

Kabilang din ang kanilang paghuli at pagtiket sa mga gumagamit ng blinkers, mga kolorum na sasakyan, at hindi updated na rehistro gaya ng pagpapalit ng kulay ng sasakyan, at mga naka-alarmang sasakyan dahil sa “repossession” at iba pa.

AUTHOR PROFILE