Beauty Larawan mula sa IG/Beauty Gonzalez

‘How to be you po?’

March 20, 2025 People's Tonight 168 views

ANG malaking tanong ng netizens sa aktres na si Beauty Gonzalez, “how to be you po?”

Sa isa kasing Instagram post ni Beauty, grabe ang pagbabalandra niya ng toned body.

Mapapanood nga sa ibinahagi niyang video ng kanyang naging photoshoot ang swabeng pag-awra ng ‘Paquil’ actress.

“I don’t know anything… but I want everything!” saad pa niya sa caption.

Sa suot na two-piece underwear, nag-umapaw ang sex appeal at charm ng aktres. Kabogera rin ang kakinisan niya.

Malakas pa rin ang dating ni Beauty sa mga kalahi ni Adan. Hindi pa rin nawala ang kanilang pantasya sa aktres kahit na may sarili na itong pamilya.

May bakod man o wala, hindi ito naging dahilan sa mga nasa opposite sex para siya’y hangaan. Patuloy nilang ituturing na paraisong may magandang tanawin ang gaya ni Beauty.

Pati ang mga kapwa aktor ni Beauty, napa-react din sa post niyang ito.

Hirit nga ni Empress Schuck-Guingona, “paano ba yung ganyan?!”

“Grabeee,” hirit pa ni Sanya Lopez.

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar