Hottiana!
“UNIVERSAL beauty.” Ganyan kung ilarawan ng isang netizen ang aktres na si Andrea Brillantes.
Sa Instagram account ng dalaga, nagbigay ayuda si Andrea sa kanyang selfies tampok ang hottie face nito kasama ang tattoos, denim pants, at black upper outfit.
Kiss emoji lang ang caption ni Andrea na talaga namang nagpa-delulu na netizens na bet na bet din siya tukain.
Ilan naman sa celebs ang napa-komento ay sina Kyle Echarri, drag queen na si M1ss Jade So, at Awra Briguela.
Kahit na karamihan ng mga komento ay positibo ay hindi rin nakaligtas bashing si Andrea. Ilan sa mga negatibong komento ay ang mga sumusunod: “Parang di balance payat arms mo sa katawan mo”; “Palala ng palala ang itsura nito!”; “Balik mo nalang blythe yung medyo malaman yung braso kasi di bagay sa katawan mo yung maliit na braso.”