Sorsogon

Hotel sa lock-in taping ng comeback serye ni Heart, sinagot ng mga taga-Sorsogon

November 6, 2021 Vinia Vivar 313 views

Happy si Heart Evangelista na very supportive ang mister niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero sa comeback teleserye niyang I Left My Heart In Sorsogon.

Bagama’t sobrang nanibago raw ang kanyang asawa sa new normal lock-in taping kung saan ay kinailangan nga niyang mawala nang matagal, in fairness ay kinaya naman daw nito.

“Kahit bumibiyahe ako sa past, ito talaga ‘yung na-lock-in ako nang matagal. So, nanibago siya, sa totoo lang. Minsan, sabi niya, parang nasa-sad daw siya. Talagang ramdam niya ‘yung pagkawala ko sa buhay niya.

“But yet, he’s keeping himself busy and I’m just happy na napaka-supportive niya especially nu’ng nasa Sorsogon kami, talagang hands-on kasi si Chiz sa lahat ng bagay,” kwento ni Heart sa digital mediacon ng ILMHIS.

That’s why, very proud ang aktres na napangasawa niya ang isang tulad ni Chiz.

“Again, when you marry someone, you don’t just marry someone because in love kayo sa isa’t isa. Pero kailangang makapangasawa ka rin ng taong kaibigan mo talaga at nandiyan para sa iyo in different aspects. So, napakita niya ‘yung side na ‘yun sa kanya,” sey ni Heart.

At siyempre, proud din si Chiz na sa Sorsogon kinunan ang serye dahil kahit paano ay maipapakita raw sa TV ang mga paghihirap na ginawa niya para mapaganda ang kanilang lalawigan, especially nga sa mga turista.

Ibinahagi rin ng staff ni Gov. Chiz na si Malu Borabo bilang suporta sa serye ay sinagot daw ng private sector ng kanilang lalawigan ang mga hotel and resort na tinuluyan ng mga artista at production staff.

Sobrang happy din ang aktres sa ILMHIS to the point na talagang isinakripisyo niya ang mga naka-schedule na international gig para magawa ang proyekto.

Magsisimula na ngayong Nov. 15 ang ILMHIS sa GMA Telebabad. Kasama rito ni Heart sina Richard Yap at Paolo Contis bilang kanyang leading men.

IDOLO SA DISIPLINA’T KATAPATAN

Bagama’t independent candidate pa rin si Raffy Tulfo, who’s running for Senator in the 2022 elections, tinanggap niya ang offer na maging guest candidate sa senatorial slate ng tambalan nina Sen. Ping Lacson at Senate President Tito Sotto na tumatakbo sa pagka- President at Vice President ng bansa, respectively.

Sa pagbisita nga nila sa Cavite kamakailan kung saan first time sumama si Raffy kay Ping sa pakikipagkonsultasyon sa mga tao, sinabi ng TV host na idol niya ang senador pagdating sa disiplina at katapatan.

Ayon kay Idol Raffy, swak ang adbokasiya nila ng standard bearer ng Partido Reporma.

“Ikaw ang idol ko. Totoo iyan, pagdating sa disiplina at honesty,” pagtatapat ni Raffy, na nagpasalamat din kay Ping dahil iginalang ang desisyon niya na maging independent.

Dahil maraming problemang tungkol sa droga ang inilalapit kay Raffy sa kaniyang programa, sinabi ng TV host/broadcaster na naniniwala siya na kayang tugunan ni Ping ang naturang suliranin.

Para kay Raffy, nagkulang ang kasalukuyang administrasyon pagdating sa rehabilitasyon ng mga sumukong drug addict, bagay na naniniwala siyang gagawin ng magiging administrasyon ni Ping kapag naging Presidente.

Paliwanag ni Raffy, kung gagaling ang mga addict, mawawalan na ng pagsusuplayan ng droga ang mga pusher at drug lord, alinsunod sa tinatawag na “law of supply and demand.”

AUTHOR PROFILE