Hong Chong Ang mga miyembro ng Hong Chong Grand Mason bago ang pamamahagi nila ng bigas sa kanilang love and care gift-giving activity. Kuha ni JON-JON REYES

Hong Chong Grand Mason namahagi ng pagmamahal sa mga Batang Maynila

October 17, 2021 Francis Naguit 456 views

NAGSAGAWA ng love and care gift giving ang Hong Chong Grand Mason sa mga Batang Maynila sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga bigas sa Alvarado St,. Binondo at Tondo, Maynila.

Pinangunahan nina Alex Co, presidente ng grupo, Jimmy See, Jaime Ching, Anson Chua Sy Sunhian, William Yao at Gregorio Lagamayo,katulong ang mga punong barangay sa pamumuno nina Chairman Jeff Lau at Chairman Kerwin Gaw sa pamamahagi ng mga bigas sa mga mamamayan ng Lungsod ng Maynila..

Tig-limang kilong bigas ang pinamahagi ng Hong Chong Grand Mason. Nasa 10 barangay
ang nabiyayaan ng mga pinamahaging bigas.

Lubos ang pasasalamat ng mga barangay officials sa grupo sa love donation.

Layunin ng grupo na makatulong sa mga Batang Maynila ngayong panahon ng pandemya. Lahit nasa COVID-19 Alert Level-3 na ang Metro Manila patuloy silang magsasagawa ng love and care gift-giving missions. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE