Tomcarla

Honeymoon nina Tom at Carla, made-delay

November 8, 2021 Vinia Vivar 241 views

Ngayong tapos na ang kasal, ang pagkakaroon agad ng anak ang goal nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

“Agad,” ang pagkumpirma ni Tom sa panayam nilang mag-asawa sa 24 Oras.

Sabi naman ni Carla, “It’s not something that we honestly don’t want to delay. Kasi isa rin ‘yon, of course, sa reasons kung ba’t gusto na naming magpakasal.”

Ang honeymoon ang medyo made-delay at baka raw sa 2022 pa nila ito magagawa pagkatapos ng kani-kanilang projects.

Si Carla ay napapanood sa To Have and to Hold habang si Tom naman ay kasama sa The World Between Us na malapit nang magbalik sa ere.

Matatandaang ikinasal sina Tom at Carla last October 23 at masayang-masaya ang mag-asawa na matagumpay nilang naidaos ang wedding sa kabila ng pandemic.

MULTI-AWARDED ACTOR, PINAG-ISIPAN ANG PAGLIPAT SA GMA

Matagal-tagal na rin ang naging paghihintay ng loyal fans ng multi-awarded actor na nagpahinga sa showbiz ng ilang taon.

Kaya naman nagbunyi ang kanyang supporters sa mainit na balitang kumpirmado na ang kanyang pagbabalik-telebisyon.

Lalong na-excite ang lahat dahil muli na nilang mapapanood ang kanilang idolo sa bago niyang tahanan, ang GMA-7.

Sa teaser photo na inilabas ng GMA Network ay nagdiwang ang fans ng kilalang box-office actor, “Pinag-isipan talaga ang paglipat! Dapat ganyan! Ngayon alam na natin na hindi sya magsisisi sa paglipat niya kasi matagal na panahon ang pinaggugulan kung ito ba ang gusto niyang gawin.”

“Panalo naman ang news na to! Grabe, sobrang nakaka-excite, hindi na kami makapaghintay,” dagdag pa ng isang netizen.

Magiging aktibo na raw muli ang aktor sa showbiz kaya naman todo-abang na ang netizens sa latest updates sa much awaited TV comeback nito na nakatakdang ianunsyo ngayong November 9 sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE