Lacuna Nagtaas ng mga kamay sina Manila Vice Mayor-elect Yul Servo at Manila Mayor-elect Honey Lacuna matapos na manalo sa nakalipas na halalan nitong Mayo 9, 2022. Kuha ni Jon-jon Reyes

Honey Lacuna unang babaeng alkade ng Maynila

May 10, 2022 Jonjon Reyes 1396 views

Lacuna1

BUONG pusong pasasalamat ang inihatid nina incumbent Manila Vice Mayor Honey Lacuna at Congressman Yul Servo sa mga Manileño matapos mahalal bilang bagong alkalde at bise alkalde ng lungsod ng Maynila – si Lacuna bilang kauna-unahang babaeng uupo na mayor ng kapital ng Pilipinas.

Nagpasalamat din ang siya maging sa mga tagasuporta na kusang loob na sumama at nagboluntaryo sa kanyang kandidatura, mga miyembro ng media at maging ang mga vlogger na walang sawang tumulong para sa kanyang pagkapanalo sa kakatapos lang na halalan.

Inihayag din niya ang kanyang pasasalamat sa Panginoon sa paggabay at patnubay nito at maging sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga magulang at kay Manila Mayor Isko Moreno sa kanilang buong suporta.

Ayon pa kay VM Honey Lacuna, kasama ang kanyang running mate na si Manila 3rd District Cong. Yul Servo, sila ay patuloy at walang sawang magsisilbi sa lungsod ng Maynila at lalo pa nilang hihigitan ang ginawang pagmamahal at serbisyo sa mga Manileño ni Mayor Isko.

Labis din ang tuwa ni Lacuna at Servo sa kanilang pagkapanalo dahil halos lahat ng kanilang buong partido na Asenso Manileño ay nagwagi sa halalan, patunay lamang ito sa pagmamahal at pagpapahalaga ng mga mamamayan ng lungsod ng Maynila dahil sa sinimulang programa sa panunungkulan at kahit panahon ng pandemiya sa administrasyong nina Mayor Isko at Vice Mayor Lacuna.

Sinisigurado naman ni Lacuna na tuloy-tuloy ang mga kasalukuyang mga programa at benepisyo para sa iba’t-ibang sektor ay mananatili at hindi isang pangako lamang.

Kabilang ang mga benepisyong nito ang kasalukuyang ninanais ng mga mamamayan ng lungsod ng Maynila ang buwanang allowance ng mga senior citizen, estudyante sa mga unibersidad, maging ang mga solo parents at persons with disabilities (PWDs).

Si Vice Mayor Honey Lacuna ang kauna-unahang babaeng sa kasaysayan ng lungsod ng Maynila na nahalal bilang alkalde.

Ayon naman kay Vice Mayor-elect Yul Servo, nangako itong magiging isang “supportive” na vice mayor at hindi ito magiging hadlang sa pag-unlad at pangangalaga sa kapakanan ng mga Manileño at para sa ikabubuti ng bawat mamamayan sa nasabing lungsod. Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE