Holdaper Kinakausap ni P/Maj. Rommel Reyes Purisima (kaliwa), hepe ng DSOU MPD ang suspek na naaresto sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa direktiba ni MPD chief Andre P. Dizon sa Lungsod ng Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

‘Holdaper’ kalaboso sa sugal sa Paco

November 4, 2022 Jonjon Reyes 602 views

INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isa sa mga susupek na hinihinalang holdaper umano, habang nagsusugal matapos magsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD) sa 1st Street Fabie Estate Barangay 811 Zone 86, Paco, Maynila, madaling araw nitong Biyernes.

Kinilala ang suspek sa alyas “Jepoy”, 35, residente ng Osmeña Highway, Paco Maynila, habang naaresto rin ang tatlong kasugalan at dinala sa tanggapan ng DSOU sa MPD Headquarters.

Base sa ulat ni P/Maj. Rommel Purisima, hepe ng DSOU, pasado ala-1:00 ng madaling araw, Nobyembre 4, nang nagsasagawa sila ng operasyon at nakita ang mga kalalakihan na nagkukumpulan sa nasabing barangay habang nagsusugal ng “cara y cruz.”

Nang makitang paparating na ang mga tauhan ni Purisima, biglang nagpulasan at kanya-kanyang takbo ang iba, at tanging ang apat na lamang ang kanilang nadakma at naaresto.

Dito na nakitaan ng baril at dalawang bala si alyas “Jepoy”, na itinuturing na suspek sa panghoholdap at diumano’y naghahanap ng tiyempo bago umano ng biktima kaya nagsusugal muna.

Dahil dito, pawang nahaharap ang apat sa paglabag sa Presidential Degree 1602 (Illegal Gambling) bukod pa sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin ni “Jepoy.”

Kaugnay nito, binubusisi pa ng mga awtoridad kung sino sa kanila ang may mga warrant of arrest at kaukulang kaso, dahil na rin sa ditektiba ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon ang SACLEO at ang programa ni NCRPO Chief Jonnel Estomo ang “Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions” (SAFE) na pinapairal sa buong National Capital Region (NCR).

AUTHOR PROFILE