Christine Larawan mula sa IG/Christine Samson

‘Hola mami!’

March 12, 2025 People's Tonight 173 views

KUNG kailan nga kumagat na ang dilim, saka bet kagatin ng mga kelot ang mga tambok ng social media star at aktres na si Christine Samson.

Eh kasi naman, grabe kung maghasik ng sex appeal ang sexy star sa kanyang Instagram.

Madilim man ang kanyang background sa larawan, maganda pa rin ang view ng mga kalalakihan dahil bubulaga sa kanilang screen ang hahanap-hanaping sarap ng kaseksihan ni Christine sa suot niyang bikini.

Napa-“Hola mami!” na nga lang ang kanyang Instagram followers ibinahaging mga larawan ni Christine.

“Nighttime,” maikling caption niya sa nasabing post.

Walang duda, master na sa pagpukaw ng atensyon ng mga kalalakihan si Christine, dahil effortless niyang makukuha ang kanilang titig sa pamamagitan ng ganitong mga post.

Maging ang ilan ngang mga kalahi ni Eba sa kanyang post ay bet na bet din magkaroon ng katawang gaya ng sa social media star.

Sumirit sa comment section ang mga papuri galing sa netizens dahil sa ibinidang sex appeal ng model-actress. Pinaulanan nila ng puso at fire emojis ang mga larawan nito.

“Uwi na lahat!!!”, “grabe ka na talaga”, “masyadong hottie,” at “sobrang latina!” ang ilang naging reaksyon ng netizens kay Christine.

AUTHOR PROFILE