
Hiwalayan isyu pinagtawanan ni Derek
Tinawanan lang ni Derek Ramsay ang balitang hiwalay na sila ng misis na si Ellen Adarna.
Ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng isang social media post na nakasaad na pumirma na si Ellen sa annulment papers nila.
Ang title na nakalagay ay “Hala! Tuluyan ng Pumirma.”
Sa ibaba naman ay nakasaad na “Ellen Adarna Pumirma Na Ng Annulment Paper Nila Ni Derek Ramsay.”
Wala nang ibinigay na statement ang akor tungkol dito kund naglagay na lang siya ng katakot-takot na laughing emojis which means, tawang-tawa siya sa fake news.
Obvious naman na fake news ito dahil sa recent posts ng aktor ay kitang-kita na napakaayos ng kanilang pagsasama lalo ngayon na may anak na sila.